Chapter 1

2754 Words
Chapter 1: Late Again Namilog ang mga mata ko nang mag-vibrate ang aking phone sa tunog ng incoming call. I groaned and fumbled for my phone on the nightstand, squinting at the screen to see who it was. It was Melanie, my workmate and a secretary of our CEO. "Mel," I answered, my voice still groggy from sleep. "April, nasaan ka? Dapat ay nasa opisina ka na ngayon, a!" "Mmm?" I asked, still groggy a bit. Idinilat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko at tumambad ang kulay kremang pintura imbes na yero naming bubungan. "Anong Mmm? Thirty minutes na lang magsisimula na ang meeting ni Sir Iñigo!" Melanie’s voice was filled with urgency and frustration. Nanlaki ang mga mata ko. Unti-unting umahon ang kaba sa dibdib ko. Nakalimutan ko ang tungkol sa meeting na gagawin ngayong umaga! Tumingin ako sa kabilang side ng kama at mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa kasama ko. Si Sir Iñigo at mahimbing itong natutulog! Narito pa kami at kailangan na ako sa trabaho. Pati siya ay kailangan din! Hinilot ko ang sentido at nagtalo pa ang isip kung gigisingin pa ba siya pero naunang kumilos ang katawan ko. I quickly get up, causing the covers to fall off my body. I picked up my clothes scattered on the floor and hastily put them on, not even bothering to check if they were inside out or not. Nakita ko ang itim na blazer ni boss at ipinatong iyon sa suot ko. Nagmamadaling pinulot ang phone at purse ko. I made my way to the door, not even sparing a glance at the man still sleeping and softly snoring in bed. "8:30 am ang meeting, baka nakakalimutan mo?" iritado niyang dagdag sa kabilang linya. "Sorry, Mel. Nakalimutan ko talaga. Papunta na ako," I said as I hurriedly left my boss's penthouse. Pumara agad ako ng taxi. Luckily, hindi pa gaanong traffic at malapit lang din ang bahay mula rito. At dahil sanay naman akong kumilos ng mabilis ay wala pang halos sampung minuto akong naglagi sa loob ng bahay. Mabilis akong naligo at nagbihis. "Hindi mo ba dadalhin ang baon mo?" rinig na tanong ng lola ko. "Hindi na po! Nagmamadali po ako!" sigaw ko pabalik. Tirik na ang araw sa umaga, at habang mabilis ang mga paa kong lumabas ng compound namin sa squatters area, hindi ko maiwasang mapansin ang mataong kalye sa labas. Sa kabila ng umaga, marami nang aktibidad ang nangyayari sa aking mga kapitbahay. I saw a group of children playing latolato in the middle of the street. Napatakip ako sa tenga ko dahil sa tunog na gawa no'n, masakit sa tenga. They were laughing and shouting. "Good morning, Ate Hipon!" sigaw ng isa. "Tse!" sagot ko. I also walked past some old women from the neighbourhood who called out my name. "April! Balita ko hindi ka raw umuwi sa bahay n'yo, a! Asus! Kumekerengkeng ka naman!" Nagtawanan sila. Hindi ko pinansin ang sinabi nila dahil sanay na ako sa kanila. Daig pa ang CCTV sa talas ng mga mata. I smiled and nodded. "May tinapos lang po sa trabaho!" Nilagpasan ko sila. "Sus! Porque patay na ang tatay, balik na naman siguro 'yan sa pagiging s*x guru." "Sinabi mo pa! Malandi talaga ang isang 'yan." "Kaya ikaw, Rachelle, huwag mong tutularan ang April na 'yan. Sakit sa ulo ng tatay niya noong nabubuhay pa." Ipinikit ko na lang ng mariin ang mga mata ko at inilabas sa kabilang tenga ang mga narinig ko. Wala silang maitutulong sa akin, kaya bakit ko pakikinggan ang mga boses nila? Sa kabilang bahagi ng kalye, nakita ko ang isang grupo ng matatandang lalaki na nakaupo sa harap ng isang maliit na tindahan, umiinom ng beer, kahit na kay aga-aga pa lang. Nagtawanan at nagbibiruan sila sa isa't isa. Nang madaanan ko sila, tinawag ako ng isa sa mga lalaki, "April! Papasok ka na? Ang sexy natin, a!" I fake a smile at them. "Opo, binibilisan ko nga po kasi late na ako!" Kumaway na ako sa kanila at binilisan nga ang takbo ko. The men chuckled and waved back. Ngunit nang lumiko ako sa kanto patungo sa main road, ang mga tumatakbo sa utak ko ay biglang naputol ng isang malupit na katotohanan. Nakita ko ang isang grupo ng mga kinatawan ng bangko na nakikipag-usap sa aming mga kapitbahay, at alam ko kung ano ang ibig sabihin nito. Ang aming bahay, kasama ang natitirang bahagi ng compound, ay babawiin na ng bangko dahil sa hindi pa nababayarang utang ng aking namatay na ama. Binilisan ko ang paglalakad. Hindi ko kayang isipin na mawala ang nag-iisang lugar na nakagisnan na ng pamilya ko bilang tahanan. Kailangan ko nang kunin ang trabahong iniaalok ni Sir Iñigo bago pa man mahuli ang lahat! I hailed a taxi and quickly got in. "Sa ATV network po!" I tried to calm myself down, but I couldn’t shake off that anxious feeling. I took a deep breath and tried to focus on the meetings that Melanie is sending to me now. I needed to prepare the materials for the meeting and make sure everything was in order. I also had to make sure my boss's schedule for the rest of the day was organised and that all his appointments were set. When the taxi arrived at the head office, I quickly paid the driver and got out. "Good morning, Miss Dimagiba!" I rushed inside the building, not even bothering to greet the security guard, the receptionist, or my other colleagues on the way. I made a beeline for my desk, where Melanie was already waiting. Kunot agad ang noo niya. "Finally, you’re here," Melanie said, her voice laced with irritation. "I’m so sorry, Mel," sambit ko, bahagyang humihingal dahil sa pagmamadali. "We don’t have time for apologies, April. We need to get to work. Sir Iñigo's meeting starts in fifteen minutes, and we need to make sure everything is ready," aniya, bahagyang galit ang tono. I nodded, and the two of us immediately got inside the Chief Executive's Office. Nakahinga ako ng maluwag noong makita kong wala pa siya sa kanyang executive table. We worked feverishly, making sure that the presentation materials were prepared and organised. We also made sure that Iñigo's schedule was set for the rest of the day. Despite the rush and the panic, I was grateful for Melanie’s presence. I was grateful for having a coworker who was always on top of things and could keep me in check. I knew that without Melanie, I would be lost. Mabuti na lang din at mapagpasensiya siya. As we finished the preparations, I took a deep breath and calmed myself. I knew that I had to focus on the meeting ahead and make sure that everything would go smoothly. I knew that I could not afford to make any more mistakes. Para sa boss ko, walang puwang ang pagkakamali sa kanya. Lahat ay dapat perpekto para sa kanya. Lahat dapat pulido. Lahat dapat 100 percent at its best! "Pasensiya ka na kung napagtaasan kita ng boses," si Melanie. Lumingon ako sa kanya. "Ayos lang. Kasalanan ko naman." Binigyan ko siya ng isang maliit na ngiti, tahimik na nagpapasalamat sa kanyang tulong. Ngumiti rin siya pabalik. "Tara na?" aniya. Lumakad na kaming dalawa sa conference room. Kabado ako ngunit si Melanie ay taas ang noong naglalakad habang binabati ng ibang empleyado. "Galingan niyo!" rinig kong sabi ni Arnel, isa sa kanila. Ngumiti lang ako. Hindi lumingon si Melanie. Isa iyon sa ikinaiinggit ko sa kanya. Bawat galaw niya ay para bang siguradong-sigurado siya sa hakbang niya. It must have something to do with her seniority at work. Halos lahat ay iginagalang siya. Matagal na rin daw siyang nanunungkulan sa mga Almerino. I swallowed the lump in my throat as we arrived at the conference room. Naroon na si Leon Montecalvo, ang Chief Operating Officer. Balita ko ay kaibigan raw ito ni Iñigo. Sa tabi niya ay ang chief financial officer na si Miles Finnegan, kaibigan din niya. Halatang malaki ang agwat ng mga edad nila, kaya nagtataka ako kung bakit hindi sa kanila humihingi ng tulong ang boss ko sa usaping s*x? Bakit sa isang tulad ko pa? Sitting across them is the arrogant chief information officer, Ernesto Batumbakal. He was watching me as I arranged the projector in front of them. He had a pompous smile on his face. Iniwas ko agad ang mga mata ko sa kanya. "Ayos ka lang?" bulong ni Melanie habang tinutulungan niya akong iset-up iyon. Ngumiti lang ako. Binilisan ko ang pagkilos bago pa man kami abutan ng CEO. Ayaw ko na ulit masigawan sa harap ng maraming tao. Minutes later, after distributing their designated papers, doon pa lang dumating ang CEO. He was wearing a black polo shirt and khaki pants, taliwas sa pormal na three-piece suit ng mga kaibigan niya. And as usual, he still wears those black glasses he always wears. Hindi ko alam ngunit sa anim na buwan ko nang paninilbihan sa kanya ay may pakiramdam akong aloof siya sa mga tao. Ipinagtataka ko iyon lagi. Ni halos ayaw nga niyang dumikit sa mga kaibigan niya gayong aapat lang naman silang narito sa apat na sulok ng kuwartong ito. Malayo rin ang agwat nila kung saan niya piniling umupo. He was seated in the centre, six seats away from his subordinates. Tumikhim siya. "Am I late?" "Sakto lang ang dating mo," Sir Leon said. "Then let's proceed now." Sir Iñigo looked in my direction. Kinailangan ko pang hamigin ang sarili ko bago tumayo. Sinimulan ko na ngang iprisinta ang artist launching na magaganap dalawang buwan mula ngayon. "Good morning, gentlemen! I'm April and I'm here to introduce Zeraphina, our latest artist launch. She's a singer-songwriter from Cebu, and her latest album is called "Back To You". It's a collection of soulful ballads and upbeat tracks blending pop, R&B, and soul." Itinaas ni Ernesto ang kanyang kamay. Nagkatinginan kami. "Hindi ba't ligwak na siya sa ipiprisintang artist?" Lumunok ako ng marahas. Bago pa man ako makapagsalita ay boses na ni Iñigo ang dumagundong sa apat na sulok ng silid. "Kung pumapasok ka araw-araw, 'disin sana'y alam mo ang nangyayari, Ernesto," aniya sa malagom na boses. "Continue, Miss Dimagiba." I straightened my back and gazed away from Ernesto. Ni hindi ko napansin ang pagtutol niya. I admit I must thank my boss for saving me today. Unang beses niyang gawin iyon. Lagi ay hinahayaan niya akong sigaw-sigawan ni Ernesto. "Her lyrics are relatable and heartfelt, reflecting her experiences and emotions. Her new album is a beautiful representation of her growth as an artist." Pinindot ko ang play button at tumingin muli sa kanila. "Please listen to "Back To You" and hear her beautiful voice!" Lumingon ako kay Melanie, and she secretly gave me two thumbs up. Ilang kanta niya ang pinakinggan nila. Sumunod namang napag-usapan ang ang marketing strategy at pinagtalunan pa nilang apat kung saan siya ila-launch, kung sa weekend tv show na lang ba o gagawan pa siya ng grand launching sa isang hotel. Isinunod nila ang tungkol sa budget para sa launching kay Zeraphina. Ernesto shot his brow up at me. Ano bang problema ng taong 'to sa' kin? Nakakailang taas na siya ng kilay sa 'kin ngayong umaga. "You've been working for your boss for six months now. Kung ikaw ang tatanungin, saan dapat i-launch si Zeraphina?" Nag-isip ako ng ilang sandali. "As a presenter, it's not appropriate for me to make the decision on where to launch Zeraphina's launch, sir." Nakita ko ang bahagyang pag-usli ng ngisi sa labi ni Iñigo. Hindi ko iyon pinansin. Nagsalita akong muli. "It's important to conduct a SWOT analysis and a cost-benefit analysis for each of the launch options (weekend TV show or grand launching at a hotel) to determine which one is more financially viable. Once the analysis is complete, the team can present their findings and recommendations to the executives for a final decision based on data and analysis." Bumunghalit ng tawa sina Leon at Miles, habang hindi naman maipinta ang busangot na mukha ni Ernesto. Hindi ko mabanaag ang reaksiyon ng boss ko dahil nakasalamin ito. "I am asking for your opinion!" may diing sabi ni Ernesto. "Based on my personal SWOT analysis, it's better to launch her on the final show of The Singers PH dahil nagsisimula na pong dumagsa ang mga fans niya. I personally checked on her personal account, and she has earned 250,000 active fans." Leon butted in. "Baka bot naman ang mga fans na sinasabi mo?" I smiled at him. "I, together with Miss Melanie's team, already checked it, Sir. Organic po ang lahat ng followers niya. At handa rin po silang sumugod sa kung saan siya ila-launch." Tumango ang dalawa. Nanatiling kalmado ang boss ko. Hindi na rin sumagot pang muli si Ernesto ngunit nakataas pa rin ang kilay sa akin. Nakahinga ako ng maluwag noong segundahan ni Sir Iñigo ang suhestiyon ko na gumawa na lang ng SWOT analysis. "Is there something for us to discuss more?" tanong niya. Nanahimik silang lahat. He arranged the files in front of him. "Meeting adjourned, then. Miss Dimagiba, I need you in my office," his cold voice boomed. He proudly walked out of the room. Tumingin ang tatlo niyang subordinates sa akin. Uminit ang pisngi ko. Muling rumagasa sa isip ko ang mga maiinit na sandali namin kagabi. Surely we won't do it in his office, right? He seems to be professional whenever we are working. Sa naisip kong iyon, napanatag ang utak ko. Sumunod agad ako sa kanya. I could feel the tension in the air when I entered my boss's office. Pabalik-balik siya sa paglalakad, ang kanyang mga kamay ay nakabaon nang malalim sa kanyang mga bulsa. Bahagya siyang nag-angat ng tingin nang pumasok ako. Hindi na niya suot ang itim niyang salamin. "Why did you leave me?" tanong niya sa malamig na boses. Halos magtayuan pa ang mga balahibo ko sa katawan. "I'm sorry, sir." I tried to keep my voice steady. "Kinailangan ko na po kasing umalis dahil late na ako sa trabaho." He shot his eyes on me. "Then at least you should've waken me up, para naihatid kita agad!" "Sir, hindi naman na kailangan." I knew he was a difficult person to work with, but I also knew that I had to keep him cool and my job kahit na may nangyari na sa amin. "So you just f**k and go?" Namilog ang mga mata ko. I gazed away at him, and my eyes roamed around, wondering if someone might be eavesdropping on us. "What do you need me to do, sir?" sambit ko. Gusto kong tawanan ang sarili ko dahil tunog professional pa rin ang tono ko. He stopped pacing and turned to face me. "I told you, I needed you to teach me." Hindi agad ako nakaimik. He looked so serious that I might really believe him if he said he had not done it yet. "Sir, napagbigyan na kita. Kulang pa ba ang experience mo kagabi?" No! April, you needed the money, right? Pumayag ka na dapat! Bakit ngayon nagpapakipot ka pa? His face darkened as his eyes narrowed at me. "You dominated me last night; how will I learn?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya ngunit sinubukan ko. "I dominated you last night because I wanted you to learn," I replied, trying to keep my voice even. "At sir, hindi po magandang pinag-uusapan natin ang s*x sa loob ng opisina. It's unethical." His face shadowed lust for a while. Nakita ko pa ang pag-alon ng Adam's apple niya. "Then can we at least talk about it after work? Don't leave me unannounced; I'm warning you!" his voice demanded. "Can you get me a cup of coffee? I need something to help me focus." Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Focus? Does it mean hindi rin siya makapag-focus dahil naaalala niya ang mga ginawa ko sa kanya kagabi? Nasobrahan ko ba ang pagiging dominante? Dinig ko ang mga dating at ungol niya sa ginawa ko. Napapikit ako ng mariin at inalis ang agiw sa isip ko. I nodded, "Sure, sir." Hindi ko na tinanong kung anong gusto niya. He always likes black coffee with no sugar at all. I wonder how it tastes. Napakapait siguro no'n. But before I could close the door, he warned me once more with his cold hazel eyes. "Don't leave me again. I'm telling you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD