Nagdesisyon akong pumunta sa harden sa likod bahay. Mas tamihik doon, gusto kong mag-isip ng malalim. Saktong pag-upo sa upuang bato ay narinig kong may papalapit dito sa harden. Dali-dali akong tumakbo papunta sa malagong halaman upang walang makakita sa akin. Agad ko ring tinakpan ang aking bibig upang hindi ako nakarinig kahit paghinga ko. “Oh! Napatawag ka, Aclare? May kailangan ka ba?” Narinig ko ang boses ni Sande. Ngunit bigla akong nagtaka nang banggitin ang pangalan na Aclare? Mali ba ako ng dinig? Kaya naman muli kong pinakinggan ang mga pinagsasabi ni Sande. “Medyo busy ako ngayon, Aclare! Sige sasabihin ko sa ‘yo ang address ng bahay ng bayaw ko. Hintayin mo ang text ko, hindi ka puwedeng pumunta rito kapag nandito pa ang bayaw ko. Baka palayasin na ako noon, lalo at hindi

