Magkakasunod akong napalunok habang nakatingin sa lalaking kaharap ko. Peste! Hindi ko akalain na mahuhuli ka agad ako nito. Sa bintana na nga ako dumaan ay nakita pa rin ako. Nakakainis naman! “Akala mo ba'y basta ka na lang makakaalis dito sa pamamahay ko, Ceje? Hindi ko hahayaang mangyari 'yon hangga't hindi mo pa binibigay sa akin ang anak na gusto ko!” Mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa akin. Naramdaman ko naman ang sakit nang paghawak nito nang mahigpit sa akin. Ngunit hindi ako dumainh. Seryoso akong tumingin kay Kent Lucero. “Hindi ako tatakas, babalik din ako rito! Ang gusto ko lang puntahan ang kaibigan kong si Kimelines! Ano ba!” At nagpupumiglas ako mula sa pagkakahawak nito, ngunit ayaw talaga akong binitawan ng Kent Lucero. “Ngunit sa ginawa mong pagtakas at pa

