(ACLARE’S POV) KASALUKUYAN kaming kumain ng umagahan ni Ninang Minda nang biglang sumulpot dito sa hapagkainan si Sehel. Ang malditang anak ni Daddy Owen. Kitang-kita ko ang matatalim na pag-irap nito sa amin. Ngunit napaismid lamang ako. “Hindi magtatagal ay magbabago ang buhay ninyo, mga empakta!” pasaring ni Sehel. “Hija, mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, tandaan mo, kapatid mo si Aclare,” anas ni Ninang Minda. “Ops! Talaga bang kapatid ko siya? Tingnan natin!” At ngumisi pa sa akin ang babae bago umalis. Nanlalaki ang mga mata ko. Mabilis din akong tumingin kay Ninang Minda. “Ninang Minda, baka alam na niya? Ano’ng gagawin natin?” Nag-aalalang tanong ko. “Hindi mangyayari ‘yon. Walang puwedeng makaalam sa lihim natin. Tawagan mo ang mga tauhan mo, ipadukot mo si Sehel at ipa

