Problema

2057 Words

Agad kong binagsak ang hawak kong tray. Pagkatapos ay hinawakan ko rin ang likod ng aking ulo at naramdaman kong basa ito. Nang tingnan ko ang aking palad at nakita kong may dugo. Nanlalaki tuloy ang aking mga mata. Kaya pala biglang sumakit kasi nasugatan ako. Mabilis akong lumingon kay Changerly na ito ang may kagagawan. Walang habas ko ring kinuha ang isang flower vase na maliit at buong lakas kong ibinato papunta kay Changerly. Ngunit nagulat ako nang hindi ito tumama sa mukha ng babae dahil may sumalo ng flower vase na aking ibinato. Nang tingnan ko ang taong sumalo sa flower vase ay nakita kong si Kent. “Oh! My Gosh. Mabuti't dumating ka Kent anak, gusto kaming patayin ng babaeng 'yan, bakit kasi pinapapasok mo pa siya rito sa loob ng banyo mo,” anas ng Ina ni Kent at nasa boses ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD