Magkakasunod akong napalunok habang nakatingin sa kopita na punong-puno ng alak at inaabot sa akin ni Mr. Kent Lucero. “Hindi po talaga ako umiinom ng alak, Lord Kent, pasensiya na po...” bulong ko habang nakatuk “Kahit kaunti lang? Ayaw pa rin? Hmmm! Kung tanggalin na lang kaya kita sa trabaho? Alin ang gusto mo, iinom ka ba o tatanggalin na lang kita sa trabaho, Tulirok?” pagbabanta sa amin. “Nag joke lang po ako, Lord Kent. Heto na po at iinom na.” Mabilis kong kinuha mula sa mga kamay nito ang kopita at agad ko itong nilagok. Talagang inubos ko upang walang masabi ang lalaki. Nang maubos ko ang alak na nasa kopita ay agad akong tumingin sa lalaki kitang-kita kong salubong ang kilay nito habang seryosong nakatingin sa akin. Napatingin naman kami sa pinto ng library nag pumasok di

