Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao, gusto ko ring damputin ang isang baso ng juice at isaboy sa matandang walang kinatandaan. Mabuti na lang at iba ang ugali ng mga anak nito at hindi nagmana rito! Kahit papaano ay may respeto pa rin ako rito. Ang sarap patulan. “Ang hirap talaga kapag tumatandang paurong!” mariing sabi ko, nakita kong galit na galit ang itsura ng mukha nito. Marunong naman akong gumalang sa matatanda, ngunit ito ay hindi kagalang-galang! Nakakademonyo ito. “How dare you! Ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako ng hindi maganda! Isa ka lang naman na hampas lupang mahirap pa sa daga! Kung hindi dahil sa aking mga anak, hindi ka makakaapak sa ganito kagandahan bahay! Animal ka!” sigaw nito sa akin at talagang lumabas ang litid nito sa galit sa akin. “Hmmm! Ikaw ang

