Muling nagdaan ang isang linggo. Maraming nangyari, ngunit kailangan kalimutan na ang lahat. . . Kasalukuyan akong nakadungaw rito sa bintana. Iwan ko ba, simula nang mamatay si Keb na akala ko’y si Kent, ang sobrang lungkot ng aking puso. Hindi na rin ako pumupunta sa bahay nito. Ano pang gagawin ko roon? Eh, wala na si Keb. Hindi nga ako nakapunta sa burol nito. Dahil nandoon ang Ina ng kambal na si Kendraz. Eh, mainit ang dugo noon sa akin. Kailangan kalimutan si Keb. Kaya nga nagdesisyon kami ni Kimelines na lumapit na lamang sa ibang school upang hindi ko maalala ang lalaki. Sobrang napalapit na nito sa akin kaya parang hindi ako sanay na wala ito, minsan kasi ay bigla na lang susulpot. Ngunit kailangan kong tanggap na wala si Keb. Ang tunay na Kent na parang nakakailang makasama.

