Hindi ako nagsalita, ngunit tumingin ako sa mukha ni Aclare. Nakikita ko kasing peke ang bait-baitan nito sa akin. Hmmm! Wala akong tiwala rito kahit noon pa man. Saka ang isang Aclare? Magiging mabait? Aba! Malabong mangyari ‘yon? Kampon ito ni kadiliman. Tatambiling ako ng ilang beses bago ito maging mabait. Sobrang nakakatawa naman ito. Agad kong inangat hawak kong baso na may juice. Mukang masarap pa naman ang juice na ginawa nito. Ngunit hindi ko ito iinom. Balak lasonin lang ako nito. Lalo at malaki ang galit nito sa akin. Dahil hindi natuloy ang plano nila ni tiya Minda na ibenta ako sa mayamang tao. “Inomin mo na, Ceje. Pasensya ka na kung ‘yan lang ang maibibigay ko sa ‘yo. Hayaan mo’t ipagluluto kita ng mga ulam na gusto mo. Tama si Daddy, huwag akong magtamin ng sama ng loob.

