Nagising ako na sobrang tahimik ng buong paligid. Dahan-dahan ko manang iminulat ang aking mga mata. Ngunit biglang kumunot ang aking noo nang makita kong nasa ibang bahay ako. Mabilis tuloy akong napabangon. Saan kaya ako! Dali-dali akong lumapit sa bintana. Nakita ko roon ang mga taong nag-iinsayo, hanggang sa mamukhaan ko sila na mga tauhan ni Kent. Napansin ko rin ang lalaki habang nakatalikod. May kausap itong tauhan. Ngunit mabilis akong nagkubli dahil nakita kong balak lumingon sa aking kinaroroon si Kent. Nahawakan ko rin ang aking dibdib dahil sobrang lakas ng kabog. Kahit gusto kong sumilip sa bintana ay natatakot ako at baka mahuli ako ng lalaki. Ngunit baliw rin ang utak ko! Dahil inuutos nito na sumilip ako. Kaya naman dahan-dahan akong tumingin sa bintana. Ngunit wala na r

