KENT, STOP!

1408 Words

“Mommy saan po tayo pupunta?” tanong sa akin ng anak ko. Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse ni Kent. Hinatid kami ng lalaki para umuwi sa bahay ni Itay. Ayaw ko sanang pumunta ngunit ang sabi ni Kent ay dapat doon ako, ito raw ang unang kaawaran ni Itay na nandoon ako. Siya raw ang bahala sa anak namin. Ang sa akin lang naman ay ayaw kong masaktan si Keden lalo na kapag iba ang turing dito ni Itay. “Pupunta tayo kung saan nakatira si Mommy at kung saan dun nagtatrabaho,” sagot ko sa aking anak. Hindi ko puwedeng sabihin na sa lolo nito, baka masaktan ito. At hindi ko ‘yon hahayaan na mangyari. Kitang-kita ko ang tuwa sa mukha ng aking anak. Panay pa nga ang talon nito rito sa loob ng kotse. Ngunit nagulat ako nang may inaabot na headphone sa aking si Kent. Nagtataka na kinuha ko ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD