Mabilis akong tumingin kay Itay. Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi nito. Parang bigla akong na-stress kay Itay. “Itay, ano’ng ibig sabihin nito, huh…?” pabulong na tanong ko sa aking ama. Ngunit nandoon na ang inis sa aking dibdib para sa aking Ama. “Anak. Para sa ‘yo rin ito. Saka hindi kayo puwede ni Kent dahil magpinsan kayo —” Ngunit nagulat ako dahil sa putok ng baril. Kasunod ang biglang pagbagsak ni Homer. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang maraming tauhan ni Kent na ngayon ay nakapasok dito sa loob ng bulwagan. Kitang-kita kong nagkakagulo ang mga tao at mabilis silang tumakbo papalabas ng bahay ni Itay. Agad na hinanap ng mga mata ko si Kent. Dali-dali itong humakbang papalapit dito sa stage. Ngunit mas nagulat ako nang buong lakas nitong sinipa ang aking ama dahilan

