BAKIT ANG LUPIT NILA?

1645 Words
Parang mahihimay ako ng mga oras na ito. Takot na takot ako dahil nakatutok sa akin ng baril nito. Isabay pa ang sakit ng aking panga na mahigpit nitong hinawakan. “Ma-Maawa ka na po sa akin, ayaw ko pang mamatay—” Kasabay ng pagmamakaawa ko'y mabilis namang namalisbis ang luha sa aking mga mata. Agad namang binitawan ng lalaki ang aking panga. Ngunit narinig ko ang sinabi nito na dalhin daw ako sa bartolina, aalalim pa raw nito kung sino kami ni Kimelines at baka kami. Mabilis akong hinawakan ng lalaki at dinala sa loob ng bartolina. Agad kong nakita si Kimelines na umiiyak. Dali-dali akong lumapit dito upang aluin ito. “Makakaalis pa kaya tayo rito, Ceje?” umiiyak na tanong sa akin ng kaibigan ko. Mahigpit ko itong hinawakan sa kamay nito na nanlalamig. “Magdasal lang tayo, baka naman maawa sila sa atin…” bulong ko sa aking kaibigan. Lalo naman itong napaiyak sa aking mga tinuran. Kahit ako ay naiiyak din sa nangyari sa amin. Hindi rin namin kilala ang mga taong kumuha sa amin. Paano kung patayin kami ni Kimelines? Sabagay sabi ng kapitbahay namin at na narinig ko lang, kung oras nang mamatay ay wala na akong magagawa pa roon at hindi na ‘yon puwedeng pigilan pa. Napasandal na lamang ako sa pader. Nakakatiyak ako na galit na galit na sa akin si tiya Minda. Kasi hanggang ngayon ay wala pa ako sa bahay. Hindi pa ako nakakapagsaing ng pagkain nito. Baka palayasin na ako nito. Kung may matitirhan lamang ako, matagal na akong umalis sa poder noon. Ngunit ayaw ko namang matulog sa lansangan. Kaya magtitiis na lamang ako sa bunganga nito at pananakit sa akin. Isang marahas na buntonghininga ang aking ginawa. Ngunit bigla akong napatingin sa pinto ng bartolina nang bumukas ‘yon at iniluwa ang dalawang lalaki. “Tumayo na kayo riyan at gusto kayong nakausap ng lord namin bago kayo paalisin dito. Bilisan ninyo!” malakas na sigaw sa amin ng isang lalaki. Dali-dali naman kaming tumayo ni Kimelines mula sa pagkakaupo namin. Naunang naglakad ang kaibigan ko. Habang papalapit kami sa lalaking matapang at abot-abot naman ang kabog ng aking dibdib. Nag-iisip din ako na baka patayin na kami nito? Si Kimelines muna ang unang kinausap ng lalaking ‘yon. Ako naman ay naghintay muna rito sa labas ng silid. Nakayuko lamang ako. Ngunit ang aking mga palad ay nanginginig sa takot. Mayamaya pa’y nakita kong lumabas si Kimelines. Napansin ko ang takot sa mukha nito. Dali-dali akong lumapit sa aking kaibigan para tanuning ito kung ano’ng nangyari sa loob. Ngunit agad akong hinarang ng isang lalaki. “Pumasok ka na sa loob kung gusto mong makalabas sa lugar na ito!” galit na sabi ng lalaki sa akin. “Sige po.” Tumingin muna ako sa aking kaibigan. Kitang-kita ko pa rin na natatakot ito. Ano kayang nangyari roon? Napansin kong parang hirap na hirap itong maglakad. Magkakasunod tuloy akong napalunok. Baka sinaktan ang aking kaibigan ng lalaking ‘yon. Parang gusto ko na lang magtatakbo papalayo. Ngunit alam ko na hindi naman ako makakatakas dito. Isang buntonghininga na lamang ang aking ginawa at pikit matang humakbang papasok sa loob ng silid. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang madilim na silid. Ilang beses ulit akong napalunok. “Ano pang hinihintay mo pumasok ka na sa loob!” singhal sa akin ng lalaking nasa likuran ko. Kahit kabado ay nagmamadali na akong pumasok sa loob ng silid. Nagulat pa nga ako nang kusang sumara ang pinto. Kasabay noon ang pagkalat ng liwanag sa buong paligid. Mayamaya pa’y nakita ako ang bulto ng lalaking matapang. Nakadungaw ito sa labas ng bintana habang may hawak na alak. ”What’s your name, young lady?” “Ce-Ceje po—” nauutal na sagot ko sa lalaki. Napatingin naman ako sa sinturon na nasa ibabaw ng table. Ginamit kaya ‘yon kay Kimelines? Kaya ganoon ang lakad nito? “Alam mo ba kung ano’ng klaseng tao si Mr. Berting?” “Hindi po.” “Hindi mo siya kilala? Ngunit papunta kayo sa bahay niya, right?” Magkakasunod akong napalunok. Pangalan lang ang kilala ko kay Mang Berting. Ngunit hindi ko ito lubusang kilala kung masamang tao ba o hindi. Ang tanging nakakakilala lang kay Mang Berting ay ang pamilya ni Kimelines dahil sa kanila palagi kumukuha ng mga halaman. “Sa pangalan ko lang po kilala si Mang Berting. May dadalhin lang na mga halaman ang kaibigan ko roon. Sinamahan ko lang po siya, Sir. Saka naghahanap buhay lang po ang kaibigan ko kaya siya nagpunta sa kakahuyan— Wala naman po sigurong masama kung pagbentahan ng mga halaman ng kaibigan ko si Mang Berting. Kasalanan na po ba ang ginawa ng kaibigan ko?” Bigla kong nagtakpan ang aking bibig. Diyos ko po! Bakit ganoon ang mga sinabi ko? Bigla akong napatingin sa lalaki. Nakita kong kinuha nito ang sinturon at agad na ipinulupot sa kamao nito. Parang biglang nanuyo ang aking lalamunan. “Sir, teka lang po muna. Doon sa mga nasabi ko. Pasensya na po. Nabigla lamang po ako—” Ngunit bigla kong na ipinikit ang aking mga mata nang makita kong ihahampas nito sa akin ang sinturon. Ngunit ilang saglit ang nagdaam nang wala akong naramdaman na sakit sa aking katawan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ngunit lalo akong natakot dahil sa baril na nakatutok sa aking noo. “Isang bala lang ang laman ng baril na ito, Young lady, ngunit titiyakin kong paglalamayan ka na oras na pumasok ito sa katawan ko…” bulong ng lalaki sa akin. “Wala naman po akong kasalanan sa ‘yo, sir. Bakit kailangan mo akong patayin—” umiiyak na sabi ko sa lalaki. Kahit may luha sa aking mga mata ay kitang-kita ko ang pakunot ng noo nito. Hanggang sa bigla akong sakalin ng lalaki at inilapit sa kanya. Halos hindi ako makahinga. Hinawakan ko rin ang kamay nitong nasa leeg ko upang itulak para mabitawan ako. “Hahayaan ko kayong makaalis ngayon, ngunit tiyakin ninyo lang na hinding-hindi ko na makikita ang pagmumukha ninyo!” Sabay tulak nito sa akin. Talagang tuloy-tuloy akong bumagsak. Akala ko’y babagsak ako sa malamig na sahig. Ngunit tumalbog ang aking katawan sa malambot na upuan. Bigla naman aking napatingin sa lalaking matapang. Nakita kong may hawak itong gunting bigla tuloy akong napaurong dahil sa takot. “Sir, ano pong gagawin mo?” Hindi nagsalita ang lalaki. Ngunit agad nitong hinawakan ang dulo ng aking buhok at basta na lang ginupit. Nakita kong ipinitik lang nito ang dalawang daliri sa ere. Mayamaya pa’y pumasok ang dalawang lalaki. Inutos nito na hawakan ako. “Ano’ng gagawin ninyo sa akin?!” malakas na sigaw ko. Ngunit wala anong narinig na salita mula sa kanila. Takot na takot naman ako ng mga oras na ito. Parang gusto kong mahimatay nang maglabas ng kutsilyo ang lalaki. Diyos ko po! Papatayin yata ako. Agad nitong hinawakan ang aking braso. At dahil gusto kong makatakas sa kanila ay walang babala na inumpog ko ang aking ulo sa ulo nito. Kinagat ko rin ang isang daliri ng lalaking may hawak sa akin. Buong lakas ko namang sinuko ang ulo ng isa pang lalaki. “Fvck!” narinig kong sigaw ng mapatang na lalaki. Ramdam ko ang galit nito. Ngunit mabilis na akong umalis sa aking pwesto at nagtatakbo papalabas sa kwartong ito. Nang makalabas ako ng kwarto ay dali-dali akong lumapit kay Kimelines. Agad ko itong hinila para umalis sa lugar na ito. “Kailangan nating makaalis dito, Kimelines! Baka rito tayo mamatay, bilisan mo!” Kahit may masakit sa katawan ng kaibigan ko ay pinilit nitong tumakbo. Ngunit napansin ko na parang walang katapusang hagdan ang aming dinadaanan. Hindi ko alam kung saan ito patungo. Ngunit bigla kaming napahinto sa pagtakbo rito sa hagdan nang makita ko ang matapang na lalaki. Masasalubong namin ito rito sa hagdan. Mabilis tuloy kaming napaurong ni Kimelines. Ngunit may tao sa likuran namin. Kaya wala na kaming matakbuhan. Iiling-iling naman ang matapang na lalaki nang makalapit sa akin. Napansin ko rin ang hawak nitong baril. Ngunit mas nagulat ako nang itapat nito sa aking ilong ang maliit na botelya at basta na lang inispray. Mayamaya pa’y tuluyang nagdilim ang aking paningin. Nagising ako dahil sa may tumatapik sa akin balikat. Agad kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko si Kimelines. Mabilis tuloy akong bumangon. Nakita kong nasa labas na kami, dahil nakikita ko na ang langit. “Ano’ng nangyayari?” tanong ko sa aking kaibigan. “Hindi ko rin alam, nagising din ako na nandito na tayo sa ilalim ng malaking puno. Mabilis akong tumayo nang maalala ko si tiya Minda. Hindi pa ako nagsasaing. “Kailangan ko nang umalis, Kimelines. Bukas na lang tayo mag-usap.” Hindi ko na hinintay na sumagot ang aking kaibigan. Halos takbuhin ko para makarating sa bahay ng tiya ko. Habang papalapit ako nang papalapit ay abot-abot naman ang kabog ng aking dibdib. Tudo dasal din ako na sana lang ay wala ito rito sa bahay at nandoon sa pasugalan. Ngunit hindi dininig ang aking hiling. Bigla kasing lumabas si tiya Minda at may dala-dala itong paklang ng saging. HINDI na ako nakaurong nang bigla nitong hinampas sa akin ang paklang ng saging. “Bobo ka talaga, Ceje! Alam mo bang kanina pa ako nagugutom! Ngunit hindi ka pa pala nagsasaing! Wala ka talagang silbi!” sigaw nito sa akin. At muli akong hinampas ng paklang ng saging sa aking likod. Tanging pagluha lang ang aking nagawa. “Hindi ka kakain mamayang gabi at dito ka rin matutulog sa labas ng bahay upang magtanda ka!” Sinipa pa nga ako nito sa aking hita. Ano bang nagawa kong kasalanan sa mundong ito? Bakit ang lupit ni tiya Minda sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD