Kangkong

1202 Words
"Ceje, ikaw na muna ang magpitas ng mga kangkong at makikitong-it ako. Alam mo naman 'yon hindi ba?" Agad akong napalingon sa aking tiyahin. Nag-alala ako na baka magalit ito sa akin. Ngunit bahala na nga! "Pe-Pero, Tiya. Hapon na po at malayo po 'yon," anas ko sa aking tiyahin. "Bakit? Nagre-reklamo ka na ngayon? Ikaw na pinapalamon ko tatlong beses sa isang araw hindi ako nagrereklamo! Tapos ngayon ayaw mong sumunod sa akin? Gusto mong makatikim?" "Hi-Hindi po, Tiya. Min Kukuha na po ako ng paglalagyan at aalis na po ako agad." Agad akong tumalikod para umalis sa harap ng tiyahin ko. Baka bigla na naman niya akong tadyakan oras na hindi ako sumunod sa kanya. Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang tinig ng isang babae na kararating lang sa aming bahay. At mukhang nagmamadali rin 'to. "Minda, halikana at naghihintay na 'yong mga kaklase natin sa bahay ni Leonor. Dali!" "Ito na kukuha lang ng pangpuhunan," mabilis na sagot ng tiyahin ko. Iiling-iling na lamang ako. Lulong na talaga sa sugal ang tiyahin ko. "Ceje! Pagbalik mo magsaing ka at magluto ka na rin ng kangkong na adobo, ha?" bilin pa ng aking tyahin. "O-Opo, tiya Minda." Hanggang sa makita kong naglalakad na sila. Mayamaya pa ay isinirado ko na rin ang pintuan at umalis na rin ng bahay upang kumuha ng mga kangkong. Kasalukuyan akong naglakad nang masalubong ko si Jessa ang aming kapitbahay na nakatingin sa aking mga dala-dala. "Uy, Ceje. Saan ka pupunta? Bakit may dala kang basket at mga plastik?" "Inutusan kasi ako ng tiyahin ko na kumuha ng kangkong." "Gano'n ba? Sige mag-ingat ka bilisan mo at baka gabihin ka na sa daan. Samahan sana kita kaso may ini-utos din kasi sa akin si Inay," turan naman ng aking kaibigang si Jessa at iniwan na niya ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang dala-dala ang basket at palinga-linga sa paligid. Medyo mahabang lakaran ang aking lalakbayin bago makarating sa kangkungan. Isang mahabang buntong hininga ang aking pinakawalan nang makarating ako ay natanaw ko rin ang mga kangkong na nagkalat kung saan-saan at maraming talbos. "Oh, hija. Bakit nandito ka pa maggagabi na?" tanong sa akin isang babae na biglang sumulpot sa kung saan. "Ay! Ano ba 'yan? Nandiyan po pala kayo. Kukuha lang po ako ng kangkong para pangbenta po ng tiyahin ko at pang-ulam na rin po." "May dala ka bang bota?" tanong pa nito sa akin. "Wala po, eh." "Naku! Dapat nagdala ka ng bota kasi lulusong ka sa tubig. Mahirap na baka matuklaw ka ng ahas o baka makatapak ka ng matutulis na bagay sa paa mo. Maganda na 'yong nag-iingat ka, Ceje. Tapos maggagabi na rin, baka bago ka pa makauwi sa inyo madilim na. Mahirap pa naman ang panahon ngayon. Babae ka pa naman. Dapat nagpasama ka man lang. Saka dapat hindi ka hinayaan ng tyahin mo na mag-isang pumunta rito." "Salamat po sa paalala. Pero kaya ko naman po ang sarili ko. Ang mabuti pa po ay umalis na po kayo para makauwi na rin po kayo at makapag pahinga," anas ko sa Ginang. "Oh, itong bota ko. Hiramin mo muna at bukas bumalik ka rito at kukunin ko 'yan sa 'yo." Naantig ang puso ko sa sinabi ng babae at nakaramdam ng galak sa aking kalooban nang marinig 'yon. Mabuti pa siya kahit hindi niya ako kadugo ay may pakialam siya sa akin at nag-aalala. Napahinga na lamang ako ng malalim. "Oh! Suotin mo na 'yan. Sige na at mauna na ako sa 'yo. Mag-iingat ka," aniya pa nito sa akin at tuluyan na ngang naglakad palayo. "Salamat po! Opo, ibabalik ko po 'to sa inyo bukas na bukas din," mabilis naman na saad ko sa kanya habang napapangiti. Mabilis kong isinuot ang bota na pinahiram sa akin at agad akong nagsimulang lumusong sa tubig at kumuha ng talbos ng kangkong. Magdidilim na at hindi pa ako tapos sa pagpitas ng kangkong. Lagot na naman ako nito kay tiya Minda. Hindi pa ako nakasaing ng kanin. Kaya naman hindi ko na tinapos ang aking ginagawa, kung ano lang ang aking nakuha ay iyon lang talaga. At nagmadali na akong naglakad pauwi dahil talagang ginabi na nga ako. Dahil walang street light sa daan ay talagang nakakaramdam ako ng takot. Ngunit wala akong magawa kung hindi ang lakasan ang loob ko at maglakad na tila hindi naduduwag. Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sunod-sunod na putok ng baril. Bigla ko ring tinakpan ang aking bibig at agad akong napalinga-linga sa buong paligid. Wala namang tao. Saan galing ang putok ng baril na 'yon? Alam kong baril 'yon dahil minsan ko nang narinig 'yon nang magkaroon ng kaguluhan sa bundok gawa ng mga taong labas. Hanggang sa hawakan ko ang aking dibdib at damang-dama ko ang malakas na kabog. Kailangan kong umalis na rito. Baka rito ako mamatay. Hindi pa ako handa. Marami ko pang gustong gawin sa buhay. Balak ko na sanang tumakbo ngunit naramdaman kong may malamig na bagay ang lumapat sa aking noo. "Who are you? Isa ka bang Spy, babae?" Mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang hawak nito. Diyos ko pa may baril siya. "S-Spy? Naku! Hindi pa ako Spy. Kumukuha lamang po ako ng kangkong na ulam namin ng tiya ko. Pasensya na po kung nakakaabala ako," anaa ko. At medyo yumuko pa ako. Ngunit kitang-kita ng dalawang mga mata ko dugo sa damit nito. Parang gusto ko lang mahimatay. "Alis!" Dahil sa sinabi nito ay tumakbo ako nang walang lingon-lingon. Dahil sa sobrang takot na naitapon ano ang hawak kong kangkong. Hindi ko na ito binalikan pa. Baka tuluyan akong patayin ng lalaking 'yon. Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa bahay ng aking tyahin. "Ano'ng oras na? Bakit ngayon ka lang? Hindi ba't sabi ko sa 'yo magsaing ka? Nasaan ang pinakuha kong kangkong Ceje?!" Galit at sunod-sunod na tanong ng tiyahin ko at halos lumuwa ang mata nito sa galit. "Tiya, naiwanan ko po. Kasi po may lalaki akong nakita sa daan at punong-puno ng dugo ang damit niya--" "Nagsisinungaling ka pa talaga! Ha!" Galit na saad ng aking tiyahin at madiin nitong hinawakan ang aking panga. "Nagsasabi po ako ng totoo, Tiya. Maniwala po kayo sa akin." "Nangangatwiran ka pa talaga! Ha? Humanda ka sa akin, Ceje!" "Tiya, huwag po. Maawa po kayo sa akin." Ngunit parang walang naririnig ang aking tiyahin dahil muli ay hinuli nito ang aking buhok at hinila-hila nito at parang mabubunot din sa higpit nang pagmakakahawak. Saka naman kinuha ang walis ting-ting na pinaghahampas sa aking katawan. "P*ste ka talaga! Alam mo na ngang iyon lang ang hanap buhay natin! Hinayaan mo pang mawala! Talo na nga ako sa tong-it dagdag ka pa!" Dak-dak ng tiyahin ko at walang humpay sa paghampas ng walis ting-ting sa aking katawan. Hindi pa 'to nakontento dahil simampal pa niya ako nang pa ulit-ulit. "Malas ka talaga! Malas ka sa buhay ko!" Sigaw at galit na galit na saad ng aking tyahin. "Huwag kang kakain ngayong gabi! At dito ka matulog sa labas!" Sigaw pa nito sa akin at itinulak ako sa labas saka sinaraduhan ng pintuan. . . . Itutuloy Title: Wanted Author Srredilla
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD