Chapter 25.1 Hindi ako mapakali nang makitang magkatitigan ang mag ama na nasa harapan ko. Agad na humilig si Sky sa balikat ni Brix. Hinagod naman ni Brix ang likuran nito para pakalmahin siya sa pag iyak. Umayos ako sa pagkakaupo nang tabihan ako ni Brix. Lalong kumalabog ang puso ko nang maramdaman kong naglapat ang aming mga balat kaya mabilis ko yung iniwas. "Papa" hikbi ng aking anak pero nang silipin ko ito ay nakapikit na ito. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko lalo nang makitang may luhang tumulo mula sa mata ni Sky. Pinunasan ko ito bago ko siya hinalikan sa kanyang noo. "Tulog na. Akin na" sabi ko kay Brix. Sinubukan kong kunin si Sky mula kay Brix pero humigpit lang ang yakap nito sa leeg ng ama. "Let him, Laina. I do not mind" sabi lang nito sa akin. Tumango lang

