Chapter 13.1 Naging malapit kami ni Brix sa mga nagdaang buwan. He also started to court me. "Nasa baba na ako" message nito sa akin. Nakangiti akong bumaba at nakita kong kausap niya sila Mommy and Daddy. "Ang tagal mong kumilos, Laina. Kanina pa dito si Brix" sabi ni Mommy. I kissed both of them ni Daddy. "Maaga lang talaga siya pumunta Mommy" palusot ko dito. "Sus, lagi ka talagang matagal kumilos" sabi ni Daddy at hinalikan ang aking ulo. Nakita ko namang nakangiti kaming pinapanood ni Brix. "We'll go ahead. Bye" pagpapaalam ko sa magulang ko. Hinatid nila kami ng tingin ni Brix. Dumiretso ako sa shotgun seat at agad na gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ang nakalagay na stem of tulip sa aking upuan. "Naks, sweet yarn" pang aasar ko kay Brix na ikinangiti nito

