part time job

1031 Words
Araw na naman ng pasukan at kailangan ng bumalik ni Jasmine sa tinutuluyang boarding house. Habang hinahanda ang kanyang mga dalahin. "Wala ka na bang nakalimutan anak?" Tanong ng ina. "Wala na po mama." tugon niya sa ina. "Oh…siya sige lakad na at baka wala ka nang maabutang biyahe palabas ng isla." "Okay po ma alis na po ako."hinalikan at niyakap ang ina." "Sige mag i-ingat ka palagi doon at wag kalimutang magtext kung may problema anak okay." "Okay po mama." Pagdating sa kanyang tinutuluyang boarding house inayos ang mga gamit pang eskwela ganon din ang unipormeng pangtrabaho. Kinabukasan... Pumasok sa eskwela ang dalaga pagkatapos non ay diretso naman sa kanyang part time job sa isang sikat na resto sa isla. Nakakapagod man ang kanyang ginagawa ay matatag ito at determinadong makamit ang pangarap! Pagdating sa resto ay masayang binati ang mga kasamahan sa trabaho. "Hello magandang hapon ... "Hi...Kuya Jefferson at ate cheska." "Hello jasmine maganda ka pa sa hapon."pabirong sagot ni Jeff "Bolero ka talaga kuya!" "Bakit totoo naman e!"kinindatan lang siya neto. "Bakit si Jasmine lang sinasabihan mong maganda di ba ako maganda sa paningin mo oppa?"pabirong wika ni Cheska. "Oyyy ha wala akong sinabing ganon" sabi naman ni Jeffrey. Bumukas ang pinto at iniluwa doon si Miss Veronica ang manager nila. "Hi... mam magandang hapon bati nilang tatlo." "Magandang hapon din."bati ng manager. "Sige na at magtrabaho na kayo madaming naghihintay na customer sa labas."utos ng manager. "Yes po mam!" sagot nilang tatlo. Maraming bakasyunista sa isla lalo na tuwing sasapit ang summer vacation pero Enero pa lang ay dagsa na ang mga dayuhan. Isa na doon si Eugene Park ang korean tourist at regular na customer ng kanilang resto. Paglabas ng dalaga sa kanyang locker ay narinig niyang tinawag siya ng kanilang manager. May gusto daw makipag usap sa kanya ang kanilamg costumer na korean. Tinungo ang kinaroonan at agad itong nilapitan. Hirap man sa una dahil sa language barrier ay kalaunan ay unti unti namang nagkaintindihan gamit ang translator. “Hi, mam I’m Jasmine.” Bati ko sa kanya. Nakita kong tumayo ito at nagbow sa akin at nagshake hands na rin. “Hi, Jasmine…Nice to meet you. I’m sorry to bother you but I just wanted to ask your free time?”tanong sa akin ni Eugene. “Ah, mam I’m only free during weekend.” Sagot ko sa kanya. Marami pa siyang sinabi na halos di ko maintindihan kaya pinakita niya ang cellphone niya na may translator at tinype doon ang gusto niyang sabihin. Tumango-tango nalang ako habang binabasa ang translation sa cellphone niya. Kinuha ko ang contact information niya at binigay ko rin ang number ko para madali kaming makapag usap. Gusto palang magpatutor ng english ang koreanang dayuhan kaya hindi naman ito tinanggihan pa ni Jasmine. Extra income din iyon kung tutuusin. Nagkikita sila tuwing weekend sa inuupahan nitong condo unit malapit sa isla doon kasi ang napili nilang lugar para sa kanilang English tutorial. Minsan nga ay doon na siya kumakain mag isa lang daw kasi ang dayuhan sa isla. Naging matalik pa nga silang magkaibigan netong huli. Minsanan nalang ang uwi niya sa barrio dahil graduating na marami na ring ginagawang thesis at kung ano anong projects dagdagan. Halos wala ng oras sa sarili ang dalaga. Pati nga mga manliligaw niya wala na ring siyang oras i-entertain ang mga ito! Araw ng sabado tinawagan ni Jasmine ang mama niya na may bago siyang sideline. “Ma, hindi po ako makakauwi may bago po akong sideline!” paalam niya sa ina. “Ganon ba anak? Ano na naman ba yung sideline mo hindi pa ba sapat yang part time job mo anak?” alalang tanong ni mama. “Ma,hindi naman po ito mahirap at mabigat magtutor lang po ako sa isang Korean tourist dito tuwing weekend kaya baka hindi po ako madalas makauwi mama.” paalam niya sa ina. “E, kung ganon sige mag iingat ka lagi diyan ha at wag masyadong abusuhin ang katawan napakabata mo pa para magkasakit huwag mo kaming gagayahin ng papa mo.” paalala ulit ng ina. “Okay po mama huwag ho kayong mag alala sa akin kaya ko po ito saka ilang buwan nalang naman po e gagraduate na ho ako.” “Sige, kung ganoon ikaw na bahala ha. Bye!” Pakatapos ng usapan nilang mag ina ay tinungo naman ni Jasmine ang condo unit na tinitirhan ni Eugene para sa kanilang tutorial session. Nagdoorbell ito at iniluwa doon si Eugene. “Hello, Jasmine come in.” pag aya sa kanya ng korean tutee. “Thank you." “Anyway, Jasmine I’m planning to put up an academy in our hometown in Korea. So while Im staying here I want to learn more.” paliwanag ni Eugene. “Well, that’s great idea mam. “Yeah, thanks. Anyway, here try this one. This is the coffee of Korea and I also cooked some Korean noodles maybe you wanna try?” pag aya niya sa akin. “Sure, mam. I will.” Sumama sa kusina si Jasmine at naupo sa dining room kasama si Eugene. Dahil dayuhan hindi pa siguro sanay kumain ng Filipino food ang Korean tutee niya. Napansin niyang marami itong dalang mga Korean products at iyon ang kinakain niya sa tuwing nagtuturo ito sa kanya. Pagkatapos magturo ni jasmine sa tutee niya ay nagpaalam na itong uuwi na at para makapagpahinga naman siya. Kailangan niya pa palang maglaba at maglinis ng boarding house niya. Nakakapagod nga ang buhay estudyante pero balewala ito sa dalaga dahil may mataas na pangarap sa buhay. Marami din siyang natutunan kay Eugene yun ay ang pag iipon ng pera. Parang nahawaan na nga ata siya ng pagiging kuripot nito. Hindi kasi makikitang maluho ang tutee niya napakasimple lang ng pananamit at walang kaarte arte sa katawan. Lalo pa siyang humanga sa tutee niya kung paano niya nakayanang mag isa sa isla. Ayon sa kanya independent na daw ang mga bata sa Korea pag tumuntong ng Middle school madalas daw ay nasa dormitory na ito nakatira ng nag aaral pa at kagaya din ni Jasmine nagworking student di daw ito. Kaya naman hanga din ang tutee niya sa kanya. Dahil diyan ay mas lalo pang naging deteminado si Jasmine sa lahat ng bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD