Chapter Four

1853 Words
Chapter Four "Goodmorning." bati ko kay John pagkababa sa hagdan. Nakaupo na siya at nagsisimula ng kumain. "Papasok ka?" tanong ko ng makitang naka-uniporme sya. "Isn't it obvious?" aniya ng hindi ako tinatapunan ng tingin. "Why?" i asked. Funny. Papasok sa school then ikekwestiyon kung bakit. "'Sis, hindi uso sakin ang cutting." Liar. "Whatever. Ayaw mo bang makasama ang maganda at nag-iisa mong kapatid?" pagmamakaawa ko rito at pinakita ang puppy eyes. "Come on, nag-iisang kapatid, pwede pa pero maganda? Walang ganon." "Brat." inirapan ko siya at nagsimula nang kumain. "Wala ka bang pasok? Alam kong hindi maganda ang trato sa'yo ng mga empleyado roon pero 'wag naman tamad, Ate." "I resigned." sagot ko, Napatayo siya sa gulat habang hawak pa din ang kutsara. Cute. Anong nakakagulat doon? "You resigned without telling me? Damn, 'Sis." Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. "Language, John. Nasa hapag-kainan tayo." seryoso kong sabi, Tumikhim naman sya at naupo na. "I mean, dapat pinaalam mo sakin. Paano kung umiyak ka? Nahihirapan ka pa naman magdesisyon mag-isa. I should be by your side when you're making decision." Tanging buntong-hininga lang ang naging sagot ko. I dont know kung anong sasabihin dahil nata-touch ako. I really love this boy right here. Nadagdagan na naman ang rason kung bakit kailangan ko talagang---- no, isa lang ang rason. That is because He's my Little Brother and I Love Him, even though we're not really blood related. "This past few days, you're acting strange. Nakikita kitang nakatingin sa kawalan at hindi man lang kumukurap. Katulad noong umuwi tayo galing Supermarket. Lumilinga-linga ka na para bang may humahabol sayo." Oh. Jackson. I saw him at the Supermarket. Mabilis akong tumalikod at tumakbo palayo roon. Binayaran ko na nga ang pinamili ko ng hindi hinahanap si John. Natakot kasi ako na baka magharap kami at makilala niya ako. Well, imposible na kilala niya ako dahil nasa past na ako ngayon na kung saan ay wala pang bampira ang nakakakilala sa akin. "What's with you, Ate?" tanong niya. "I'm just...thinking...something. Don't worry, it won't affect my health." "I'm not worried about your health, 'Sis. Malusog ka, ni hindi ka nga nagkakasakit. You are healthy both physically and mentally." Hindi ito matatapos hangga't hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niya. "I just want to make memories with you, masama ba yun?" Yes, gusto kong sulitin ang masasayang araw nating dalawa. Yung tipong nakakagala pa tayo at nalalasap natin ang payapang hangin. "Ate, you need to earn money. Tutulong naman ako once maka-graduate sa college. Malapit na yun," I know you're just worried, Bro. But you dont need to graduate when the crisis is near. "Also making memories with me isn't that bad. May nangyari bang masama sa'yo?" he asked. He looks worried kaya tumayo siya at nilapitan ako tsaka lumuhod sa aking harapan. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba ang nasa isip ko o hindi, natatakot kasi ako na baka kapag sinabi ko sa kanya ay baka mapahamak siya. What should I do? Ayoko naman na magsinungaling kay John. Matagal din ang katahimikang namutawi sa amin. Napabuntong hininga nalang siya at ginulo ang buhok ko. "Whatever it is, remember that I'll be by yourside. Always." aniya at pinuntahan at itinuloy ang kaniyang kinakain. Thankful ako dahil napaka-maintindihin niya. Don't worry, John. Simula nang makabalik ako mula sa future ay ikaw ang una kong inisip. "Promise me, John. Don't leave without me, okay?" I still remember what happen to John in my past life. The reason why he decided to leave me is he became a Vampire and afraid that he'll kill me. Tinignan ko ang mukha ng kapatid ko. Hindi ko aakalaing magiging bampira siya. Well, hindi naman ako ang magdedecide ng kapalaran niya. Ang tangi ko lang magagawa ay ang protektahan ang kapatid ko. I hope this time would not be the same. "Ate, whatever happened, hindi kita iiwan. Ikaw nalang ang natitirang pamilya ko, marami ka na ring isinakripisyo para mapag-aral ako. Bakit kita iiwan?" Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi mo ba talaga ako iiwan katulad noon? I can't say that to him. Wala siyang alam sa nangyari sa akin sa past life. Natapos kaming kumain at napagdesisyong mag-bar hopping. Hinihintay ko nalang siyang lumabas sa bahay para makaalis na kami. Hindi naman sya matagal sa loob, medyo lang. Alam niyo yung gusto mo ng pasukin sa loob kaso tinatamad ka? Hays. Ano bang ginagawa ng isang iyon? Ang tagal naman masyado. Naghintay pa ako ng ilang minuto, mga 30 minutes siguro, jusko. "Ang bilis mo naman kumilos, nakakahiya sayo," sarkastik kong sabi ng makitang palabas na siya ng bahay. "Eh kasi 'di ko alam kung anong isusuot ko. Mukha na ba akong 20 plus na?" Ano bang pinoproblema neto? 19 naman na sya. Same age lang naman kami. Ate ang tawag niya sa akin dahil ako ang totoong anak ng magulang namin. Sinabi ko naman na 'wag niya na akong tawaging Ate pero nag-insist siya dahil sa paggalang na rin daw. "Oo, mukha ka ng tao." Umiling-iling ako at nagpara na ng taxi. Nakarating kami ng hindi nasstock sa traffic, nagshort cut kasi si manong. Monday ngayon kaya naman traffic. "'Sis, huwag kang lalayo sakin, ok?" sabi niya agad ng makababa na kami ng taxi. Tinapik ko ang braso niya at inayang pumasok. Pagkapasok sa loob ay dinig ang malakas na musika, masakit sa matang patay bukas na ilaw. Hindi ko alam ang tawag doon. Napangiti ako dahil sa ganda ng music na para bang inaaya ang katawan kong sumayaw at sumabay sa mga taong sumasayaw. Remix ang tugtog at nakakagana sumayaw. "Ang ganda dito!" sigaw niya ng nilapit niya ang bibig sa tainga ko. Nakangiti akong tumango sa kaniya habang patuloy ang pagtalon at pagsabay sa musika. Sa tana ng buhay ko, ni minsan ay hindi ko pa nararanasan ang pagpunta at pagsayaw sa bar, ngunit may parte sa akin na para bang naranasann ko na. Hindi ko alam, naguguluhann ako. Kahit sa past life ko ay hindi ko rin naman nagawa itong pagpunta sa bar. Katulad nga ng sinabi ko, hindi madali at imposible ang paglabas ng malaya noon dahil sa mga bampira. Winaksi ko ang mga nasa isipan at nagpatuloy sa pagsayaw. Hindi ko na nabilang kung ilang minuto o oras ang lumipas, kung hindi pa natuyot ang lalamunan ko dahil sa uhaw ay hindi pa ako aalis sa dance floor. Magpapaalam sana ako kay John nang makitang masaya siyang sumasayaw habang nakangiti kasama ang isang magandang dalaga. Sana ay hindi maging torpe ang kapatid ko at ayain niya ng date ang babae. Go! Brother! Napailing-iling nalang ako at dumeretso sa Bar Counter at nag-order ng Beer. Dapat ay hindi ko nilalabas si John dahil maaaring mapahamak siya, hindi ko naman magawa dahil nagaalala rin ako sa iisipin niya na baka masyado ko siyang kinokontrol. Tsaka bakit ba ako natatakot? Eh, hindi pa naman ngayon ang araw na talagang nagsisimula nang kumilos ang mga iyon. O baka naman, may nakaligtaan ako at naguumpisa na sila ngunit patago? I don't know. Ayoko munang isipin ang mga iyan. Naloloka ako. Nang ilapag ng barista ang inumin ko ay nagsimula na akong uminom. Paunti-unti dahil mahirap ng malasing. "Hi, Miss." Napahinto ako sa pag-inom at nanlamig ang buong katawan. Pamilyar ang boses na iyon. Boses ng isang lalaki. Ayoko man lingunin ay ginawa ko pa din. Unang pumasok sa isip ko si Jackson, ngunit paglingon ko ay hindi ang taong inaakala ko. Nakasuot siya ng Mask na tanging mata at ilong ang natatakpan. Pulang mga mata... What? Naka-contact lense sya? "Hell--hello." sabi ko at ngumiti ng pilit. Umayos ako ng upo at binalik ang tingin sa iniinom na beer. "How old are you?" he asked. Nagtataka ako kung bakit parang komportable ako na katabi ko siya. Anong nangyayari sakin? And there's this smell na ang sarap amuyin. Nakakaadik. God, What is this? Hindi ko siya kilala pero bakit feeling ko na kilala ko siya? He can't be Jackson because this guy is masculine and has a husky voice. Dagdag mo pa ang jawline niyang napakaperpekto, tingin ko nga ay gwapo ang isang ito. "19." sagot ko rito ng hindi tinatapunan ng tingin. "Really? You look like you're 15 or something." Huh? 15? Hindi ba siya nageexagerate masyado? "Oh." Gusto kong matawa sa sarili ko. He's flirting with me at nauto naman ako. Imposible na magmukha akong 15 ano. Manang nga daw ako, eh. Thanks to that ex-boyfriend of mine. "Can I tell you something?" aniya. Naapatingin ako sa gawi niya. Nakatingin pala ito sa akin. Kanina pa ba? Nakakahiya. Hindi ako sumagot at tanging sa mata niya lang nakatingin. Ilang segundo ang lumipas bago siya tumikhim at nagsalita. "You look like someone that I've been seeing in my dreams. You see, I've been dreaming her every night," tumigil siya sa pagsasalita upang uminom sa baso. Hindi ko alam kung ano ang iniinom niya pero may matamis iyong amoy. May alak bang may matamis ang amoy? Baka naman juice ang kaniyang nasa baso? "Kamukha mo talaga siya." He has a handsome face, also his voice, ang sarap sa tainga.. lalo na ng nagtagalog siya. Seriously, parang ang perfect niya. "But I don't know you. Wala naman akong kakambal para masabing kakambal ko iyon." I said, and laughed a bit. "Yeah, I think so.. I'm sure you're not 'My Maxi'." nagkibit balikat siya at tinungga ang natitira sa kaniyang baso. "I'll get going. Thanks for your time." Napatitig ako sa papalayong lalaki na may mabilis na t***k ng puso. Ang bilis ng t***k ng puso ko, hindi naman ako kinakabahan. Yung sinabi ng lalaking iyon, hindi naman ako ang tinutukoy niya diba? Maraming may pangalang Maxi sa mundo. 'My Maxi' "You're crying because?" napakurap kurap ako sa taong nasa harapan ko. It's just John. Tapos na pala siya sa pagsayaw. "Mabuti nahanap kita. Nakita nalang kita na papalayo na sa Dance Floor." aniya. Nginitian ko siya at mabilis na pinunasan ang basa kong pisngi. Bakit ako umiyak? Ghad. "Bakit ka ba umiyak? Dahil ba sumakit paa mo kakasayaw? You're so weak, 'Sis." Inirapan ko ito at uminom na ulit ng beer. "Kamusta yung kasayawan mo? Ang ganda ng nabingwit mo. Infairness, magaling pumili ang kapatid ko," biro ko dito. Umupo naman siya sa tabing highstool bar. "Iniwan ko nang umalis ka sa Dance Floor, sinundan agad kita. Nagtataka nga ako kung bakit may inumin ka agad, eh kauupo mo palang naman." Kauupo? Lasing ba ang isang ito? No way. Halos mag 20 mins. na nga ako rito, eh. "Pinagsasabi mo? 20 minutes na akong nandito. Lasing ka ba? May ininom ka?" taas kilay kong tanong. "Huh? Hindi. Nakasunod lang ako sayo. Nakita pa nga kitang umupo, eh. Tapos nung nilapitan kita, may beer ka na at umiiyak." kunot noo niyang sabi. Nagtaasan lahat ng balahibo ko sa sinabi niya. "Nagsisinungaling ka. Matagal na akong nakaupo rito. May nakausap pa nga ako. Totoo, John. Hindi ako nagsisinungaling." Mas lalo pang kumunot ang noo niya. Hey! Hindi naman ako naengkanto, right? Sabi na, eh! Imposible na pula ang mata ng tao! Naengkanto ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD