Chapter Five

1577 Words
Chapter Five: Ilang araw na ang nakalipas ng magclub-hopping kami. Dalawang araw nalang at nalalapit na ang nakatakdang araw. Mas lalo akong kinakabahan. Natatae tuloy ako sa tuwing iniisip ko. Nalaman din ni John na may patayang nagaganap hindi kalayuan sa lugar namin. Sobrang payat na tipong inubos ang dugo at may dalawang butas sa leeg na para bang kagat. Ang bampira. Nagsisimula na sila. Inaasahan ko ng magsisimula sila ng tahimik ngunit hindi ko pa din maiwasan na hindi matakot. "Hindi ka na papasok sa school, John." sabi ko habang nagpapahinga kami matapos kumain. "I know. Simula pa naman ng malaman mong may nangyayaring patayan dito, nakapagdesisyon ka ng hindi ako palabasin ng bahay." aniya. No, John. Simula ng makabalik ako galing sa future ay nakapagdesisyon na akong ililigtas kita. I can't take any risk anymore, you see. But I cant stop thinking kung bakit nagsisimla na ang mga bampira na gumalaw. Sa naaalala ko ay sa makalawa pa sila gagalaw. October 28. ang araw na nagsimula ang patayan sa karatig lugar. Nagbago na ba ang takbo ng pangyayari? Who change? Ako? Dahil ba sa pagbabalik ko ay nagbago na ang takbo? Umakyat na ako at nagtago sa kwarto. Kailangan kong mag-isip. Kailangan ko ng simulan ang misyon ko. Ang misyon kapalit ng pagbalik ko rito ay ang paghahanap kay Elizardo Killor. Paano ko siya mahahanap? Sa pagkakatanda ko ay ang unang pagkikita namin ay noong nasa kastilyo ako at kasama ko na si Jack. Nadaanan namin siya noon sa hagdanan, paakyat siya at pababa kami. Base sa mga tingin niya ay parang gusto niyang pumatay. Galit ba siya sakin dahil kasama ko ang kapatid niya? Eh, ayaw ko naman kasama si Jack. No choice lang ako. Napasalampak ako sa kama dahil sa kakaisip. Sa pagiisip lang ng nangyari noon ay masakit na sa utak. Bakit ko ba kasi naranasan pa ang mga iyon? At tsaka bakit ba kasi may mga bampira pa? Bakit hindi nalang pinatay ng babaeng nasa kwento ni Hyacint ang mga bampira? Pinapahirap niya tuloy ako. "Ms. Maya." Napabalikwas ako ng bangon at gulat na humarap sa nagsalita. "Gago ka! Kababalik ko lang galing sa hukay tapos papatayin mo ako sa gulat?!" sigaw ko rito at binato ng unan. "Sorry na." aniya at naupo sa tabi ko. Inirapan ko naman siya at lumayo ng kaunti. "So? Narito ka kasi?" tanong ko. "Para sabihing nagsisimula ng kumilos ang mga bampira." I waved my hands at him and bored na tumingin sa kaniya. "I already knew that. Bali-balita nga sa TV na may naispotan silang tao na sumisipsip ng dugo ng tao sa iskinita which is bampira naman." Napatango-tango siya at nagsalita ulit. "So, you already knew also na malapit lang sayo ang pinapahanap ko?" Napatayo ako sa gulat. "Malapit lang siya sakin? Weh? I've been carefree this past few days. Ghad!" napasabunot ako sa buhok dahil sa frustation. I can't believe na malapit lang ang taong iyon. Kung sana nakita ko si Eli, e di sana tapos na 'tong misyon-misyon ko diba? Para naman happily ever after na. Wait. Ano nang mangyayari kapag nahanap ko na si Eli? 'Yun na yun? "May pagala-gala ka pa kasing nalalaman. Hindi lang iyon. Marami ka na ding nakasalubong na bampira, hindi mo ba alam?" What? I know what their smell is. Imposible na makaligtaan ko ang amoy na iyon. What really is happening? "You're wondering kung bakit hindi mo sila maamoy?" "Yes! I've been with vampires so long at alam ko na ang amoy nila. Madali lang naman malaman, eh. But why? Naninibago na ba ang ilong ko at hindi ko na alam ang amoy nila?" I asked. Oh my, ang tanging paraan lang para malaman ko kung bampira ba o hindi ay their scent. Tapos nakaligtaan ko? Yung amoy nila ay matamis. Hindi ko nga alam kung bakit matamis, e. "There's been a change, Ms. Maya... there's someone out there na tumutulong sa mga bampira na mabago ang amoy nila at kagaya mo ay galing din siya sa future." Wait, yes! Meron nga akong narinig noong nasa future pa ako na may scientist na nakipagkontrata sa bampira kapalit ng kaligtasan niya ay gagawa siya ng pills na makakapagbago ng amoy ng isang bampira. Pero hindi ganito kaaga. 3 years ago from the day I died. Yun ang panahon na nagbago na ang amoy ng bampira thanks to that scientist. "So meaning to say, hindi lang ako ang nag-iisa." Tumango naman siya. Wow. Nakakatakot. "There's 24 time traveler, and you are the 24th. That's the agreement we came up with the other team, or should I say, the other Gods." Woahhhh, too much information. So, that's why he called me 24th, the first time we met. "I cant believe this! Are we inside the game? This can't be too real, right?" "I've given you a chance to change your future and the other gods given a chance to others as well. so, meaning, you are my one and only candidate." I can't believe this. "Candidate? For what?" Is this really a reality? "A candidate to change the earth. Remember what I said? You have to meet Elizardo Killor." I have to meet him, yes. I remembered. "But why? Do I just have to meet him?" "No. Meet and unfold the truth," huminto siya sa pagsasalita at tumayo at tumingin sa bintana. "We talk too much, Go and find your brother. I will come again another time," aniya at biglang naglaho. Napatingin din ako sa bintana at nakitang gabi na. Matagal-tagal din pala kaming nagusap. My brother? "Oh s**t!" Napatakbo ako pababa at tinignan kung nasa loob ba ng bahay si John ngunit bigo ako dahil wala siya. I need to find him! Pronto! Hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis na lumabas ng bahay. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin kaya naman ay isinaalang-alang ko nalang kay Batman ang kapalaran ko. Sa Kaliwang daanan ako pumunta tsaka tumakbo habang lumilingalinga. Gustuhin ko mang sumigaw ay hindi ko magawa dahil na rin sa tulog na ang mga tao. "Ugh, come on. Nasaan ka?" bulong ko habang hinihingal na tumatakbo. Naka-apat na iskinita na ako at ni isa sa mga iyon ay wala si John. Please, dont tell me na wala siya sa lugar na ito at nakalayo na ang batang yon. Shit, John. Kapag talaga naging bampira ka, papakagat din ako! "What the f**k in the hell are you doing?!" nakarinig ako ng sigaw sa pinakadulong bahagi ng iskinitang napuntahan ko, at sigurado ako na boses iyon ni John. "Nakita kitang kasama ang babaeng may matamis ang dugo, akala ko naman kapatid mo, hindi pala." sabi ng isang lalaki na nasisigurado kong isang bampira. Pinakinggan ko pa ang susunod na sasabihin niya upang magkaroon ng ideya sa mga nangyayari na hindi ko alam. "Ano bang sinasabi mo? Lubayan mo nga ako!" sigaw naman ng aking kapatid. Nakasalampak ito sa sahig ng mas lumapit pa ako. Sapat na para makitang may dugo sa kaniyang labi. The f**k? His blood is sweet as well! Anong hindi sweet ang pinagsasabi ng gagong bampira na ito?! "Your blood is not that sweet, but I'm still hungry," aniya, Sa pagkasabi niyang iyon ay mabilis akong tumakbo at malakas na sinipa ang tagiliran ng lalaking bampira. Nagkaroon ako ng chance na itakbo si John dahil natumba ang gagong bampira at nagsisigaw na masakit. Alam ko ay hindi dapat masaktan ang bampira kung tao naman ang nanakit dito. Bakit siya nasaktan? Dahil siguro bagong bampira siya at hindi pa nakakainom ng dugo ng tao? Wala na akong sinayang na oras at mabilis na tumakbo papuntang bahay upang doon kami magtago. Habang tumatakbo ay para bang slow motion ang lahat. Ang bagal namin tumakbo at sa tingin ko ay oras ang inabot. Hindi ba dahil sa takot ko lang ito? At parang ang bagal ng oras sa tingin ko. Nang makarating ay umakyat ng second floor, pumuntang cr at binabad namin ang katawan sa tubig, lalo na si John na may bahid ng dugo. "You seem to know what's happening." Malakas ang pang-amoy ng mga bampira kaya naman ginawa ko ang lahat upang matanggal ang dugo sa bibig niya. "This is why I'm telling you not to go to school, John. Mga bampira sila at sila rin ang pumapatay na nakikita mo sa TV at radio." Hindi siya makapaniwalang tinitigan ako. Napangiwi ako ng maamoy ang dugo niya. "You're hurting me. " aniya kaya mabilis akong lumayo. Normal lang ba na maamoy ang dugo lalo na at tao ka naman? "I'm sorry. Kinakabahan at natatakot lang ako lalo na kanina nang malaman na lumabas ka ng bahay. Ano bang ginagawa mo sa labas?" tanong ko rito. "I knocked on your door many times. Wala namang sumagot kaya akala ko ay lumabas ka kaya hinanap kita, kasi.. saan ka naman pupunta, diba?" napanganga ako sa kaniyang sinabi. He knocked many time but i didn't hear it even once? What's happening? Bingi na ba ako o talagang hindi narinig dahil kausap ko si Aeon kanina? "But, Ate. Paano mo nalaman na Bampira ang mga iyon? Wala naman sa balita o radio na sinasabing bampira sila. Ano ba talagang nangyayari sayo, Ate?" Should I tell him? Nang subukan kong magsalita ay parang may kung anong bato ang bumabara sa lalamunan ko para hindi makapagsalita. "a-a..mm.." nanlalaki ang mga mata kong tinignan si John. Napakamot naman siya ng kaniyang batok. What the heck is happening?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD