Chapter Two

1894 Words
Chapter Two "Magandang gabi, Maximillian Cruz." Napakurap-kurap ako at napatingin sa aking likuran. "Sino ka?" Tanong ko. Isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid 20s. Suot ang robang puti at may orasang bilog na lumulutang sa kanyang uluhan. Gago? Lumulutang? HAHAHAHAHAH!! Nanaginip yata ako. Isang malakas na sampal sa pisngi ang ginawa ko. Awtchii! Danggg~~ "Im Aeon. The God of Time." aniya saka bumuntong- hininga. Napahinto ako sa paghimas ng pisngi at nakataas ang isang kilay na tinignan siya. "God of Time? You joking me, pare?" High yata ito, eh. "You're Mayalian Cruz, 24 years old. Your real name is Maximillian Cruz." Max-Maximillian. Ilang taon ko din hindi narinig ang pangalang iyon. Heck no! Totoo ba ang sinasabi niya na isa siyang diyos? Nyeee~~ Wala ni isa ang nakakaalam nang totoong pangalan ko. Even Hyacinth. Just John and my Mom but they are long gone. So, yeah. Speaking of Hyacinth, I remember seeing her. "How did you know my name? And where am I? How did I get here? For as far as I remember I'm just in my room... Holy Moly!" napatakip ako sa aking bibig dahil sa naalala. Si Eli! What the hell is he doing in my room? And he even carry me, then talked to me! God, nagugunaw na ba ang mundo? Simula ng dumating ako sa lugar nila, sa palasyo kung saan naninirahan ang mga matataas na uri ng bampira, hindi niya ako kinausap at hindi kami naguusap! So? Again, Anong nangyari at kinausap niya ako? And hindi lang iyon, binuhat niya pa ako. Like what the hell? "Yeah, yeah. Ang gusto kong malaman ay kung anong ginagawa ko sa lugar na ito? Tsaka ano bang nangyayari?" Matiim syang nakatingin sa akin. "You're dead, Ms. Maya." Matagal din akong hindi nakaimik. Dead? Hindi pa naman ako nabibingi, 'diba? "You're dead, Ms. Maya. Prince Jackson killed you. Hindi mo ba naaalala?" Napatulala ako sa kaniyang sinabi. Unti-unting may pumapasok na alaala sa aking utak. Para bang ilang saglit ko lang ito nakalimutan ngunit bumalik din ulit. I remembered now. Ang sumunod na nangyari noong nakalabas na kami sa palasyo, kasama si Eli. Jackson killed me. That son of a b***h! Malakas akong napabuntong-hininga at tinaasan siya ng kilay. "So, sinasabi mo na nabuhay akong muli matapos kong mamatay? Kung pinaglalaruan mo ko, pwes tigilan mo na at baka masapak pa kita." Gago. Isang napaka-Imposible naman na nabuhay akong muli, hindi ba? "Ms. Maya, lahat ng sinabi ko ay katotohanan. Binigyan kita muli ng isa pang buhay upang baguhin ang iyong nakaraaan." "Ikaw pala ang nagbigay. Taena pala, eh. Walang permiso ko? Hello? Buhay ko po ito?" Umiling-iling siya. "Mula ng hinawakan mo ang kamay kong nakalahad sa iyo, doon mo binigay ang permisong buhayin kita." "H-hindi ko maintindihan. Wala akong naaalala na hinawakan ko yang kamay mo." Pinagsasabi ba nito? He sighed and naglakad palapit sa akin. "They are here." "Who?" Imbis na sagutin ako ay may kinabit siya sa aking leeg. Nang tignan ko ito ay isa siyang kwintas na may nakaengrave na clock. Gold clock. "The Reapers, Ms. Maya. Keep and wear the necklace all the time." Hinawakan niya ito and the clock glowed. "There. It's useful when you're in danger." "Anong pinagsasabi mo? Para namang may power ang necklace na ito." Hinintay kong sumagot ang lalaki ngunit isang ngiting nakakaloko ang binigay. Don't tell me na totoo ang pinagsasabi ng lalaking ito. "Seryoso?!" Sigaw ko rito. Is this for real? Nasa fairytales na ba ako? Sa Walt Disney? Am I one of the Princess? Nakakaloka. "Anyway, the Reapers are coming. You need to get out of here before they get you and burn you alive in hell." What?! Burn me alive?! No way! "Bakit ako? Wala naman akong ginagawang masama!" sigaw ko rito ng simulan niya ang pagtulak sa akin. "Meron, Ms. Maya. And that is ang pagrevived ko sayo," That's it. Pinigilan ko ang pagtulak niya sa akin nang buong lakas at pumaharap sa kaniya. "FYI, it's not my fault kung nirevived mo ako, " Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin. "Ang grateful huh!" may sarkasmo mo sa kanyang boses. Tsk. Wow, feeling close ang gago. "Whatever you say, Ms. Maya." aniya, Pinagpatuloy niya ang pagtulak sa akin hanggang sa makarating kami sa isang malaking oras na naggiglitch ang itsura. What the hell is this? Sa kabila noon ay hindi na maaninag ng maayos dahil sa glitch na nangyayari. "Kapag naabutan ka ng mga iyon, siguradong hindi lang ikaw ang makukulong at susunugin ng buhay kaya kung ayaw mong mangyari sayo iyon, pumasok ka sa lagusang iyan at 'wag ng bumalik pa kahit anong mangyari." "Kasalanan mo ito. Bakit ba kasi nirevived mo pa ako kung alam mong bawal? Ano bang nasa isip mo?" Ginulo nito ang buhok ko. "I have a mission for you, Ms. Maya. If you succeed, you can live your life happy." Ano bang pakulo ito? Pero andito na tayo. Might as well tanggapin ang misyon at baguhin ang future ko. Second chance. Salamat naman. Hindi ko naman ito hiniling pero binigay sa akin. Gagamitin ko talaga ang chance na ito para mailigtas lang ang kapatid ko. "Tell me. Siguraduhin mo lang na totoo ang sinasabi mong pwede kong mabago ang future kapag nakabalik ako sa past. Kung hindi, magsusumbong ako sa Reapers at ipapahuli kita," pananakot ko rito na hindi naman gumana. "We dont have much time. My mission for you is to find the man who'll destroy your precious world. Elizardo Killor." aniya, Napanganga ako sa kaniyang sinabi. "Killor? Elizardo Killor? You mean the illegitimate child of the King?" hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kaniyang sinabi o kung ano. Hindi ko alam kung anong ire-react ko. "Impossible na sirain niya ang mundo. Mali ka yata ng nalakap na impormasyon, Kamahalan." biro ko rito. Imposible kaya. Ang sabi pa nga ni Hyacinth ay tutulungan niya kaming makatakas sa lugar na iyon. And Eli did, pero nagkaloko-loko at namatay ako sa huli. Speaking of that hellish place. That palace. Saan nga ba nakita iyon? Nasa modern era na tayo. Kung may palasyo man sa mundo ay doon sa mga country na may hari at reyna. Mga Royalties ba. Siguro ay mali lang ang lalaking kaharap ko. "Hays. You leave me no choice," aniya. Nagtaka naman ako nang idikit niya ang hintuturo niya sa aking noo. "Ano bang--" Sigawan, takbuhan at pagmamakaawa ang tanging naririnig ko. Ang dilim ng paligid ngunit makikita pa rin ang buwang nakasilip sa madilim na kalangitan. Iyon lamang ang ilaw na mayroon sa buong paligid. Naglakad pa ako ng kaunti. Duguan at walang malay na mga katawan ang nagkalat sa iba't ibang parte ng kastilyo. Para bang nasa isa akong gyera. Hindi pa ako nakakita ng pangyayaring ganito, ngayon pa lang. Napatigil ako sa paglalakad ng makaaninag ng isang bulto ng tao. Makisig ang kaniyang likuran at para bang ang sarap nitong yakapin. Dahil sa likod pa lamang niya ay makikita at mararamdaman mo nang sobra niyang lungkot. Familiar. Gusto ko siyang hawakan at mayakap. Gumalaw ng kusa ang aking mga paa at nagsimulang maglakad papalapit sa kaniya ngunit bigla na lang siya naglaho at nagbago ang paligid. Bumalik ako sa lugar na kasama si Aeon. "Ms. Maya. Ang iyong nakita ay ang nangyari nang mamatay ka." So, it's my fault that everyone died? Gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko magawa. Nalulungkot ako sa hindi ko malamang dahilan. "Can you look into my eyes?" bigla niyang tanong. Ginawa ko naman ang sinabi niya. Matiim niya akong tinignan sa mga mata na para bang may hinahanap siyang bagay doon. Sa huli ay napangiti siya. "As what I expected. Bakit ba hindi na ako nagulat?" Pinagsasabi neto? "Gusto ko mang i-explain pa ang nangyayari, hindi ko naman magawa." aniya at tinuro muli ang lagusan. "Pumasok ka sa lagusang iyan, as what I said earlier, dont look back and never come back. Find the light, there's a ladder there and get out of here. Understand?" Tumango-tango ako bilang sagot. "Hahanapin kita at sa pagkakataong iyon, sasabihin ko ang iba pang detalye. Go!" Nagdadalawang isip pa ako kung dadaan ba sa lagusang ito o hindi pero sa huli ay ginawa ko, ngunit bago pa ako makalabas ng tuluyan ay narinig ko ang kaniyang huling sinabi. "I hope this time, everything would change, Be well and stay alive no matter what, My Dear 24th." 24th? Mula sa kaninang maliwanag at maraming orasan ang paligid, ngayon naman ay madilim ngunit may mga kulay gintong parang kableng nakalutang. Naalala ko ang sinabi ng lalaking iyon na hanapin ko ang daan patungo sa liwanag. Kung madilim ang paligid dapat ay madali ko lang mahahanap ang liwanag na kaniyang tinutukoy. Naisip kong tumakbo upang mapabilis ang pag-alis ko rito. Baka ano pang mangyari at maabutan ako ng mga Reapers na nabanggit. Nang maaninag ang liwanag ay lubos ang ligaya na aking naramdaman. Sa pagkakatanda ko ay may ladder akong dapat makita kaya naman sa liwanag na iyon ako pumunta at nakita nga ang ladder na kaniyang sinasabi. Pababa iyon at wala na akong sinayang pang oras. Bumaba na ako gamit ang ladder na iyon. Nang malapit na sa huling hakbang ay napatigil ako sa nakita. Isang karagatang napakaganda. Payapa ang lugar na iyon at para bang ang gusto ko na lang gawin ay ang manatili sa lugar na ito. Repleksyon? Mas lalo kong pinagmasdan ang karagatan. Gusali ang makikita at maliwanag ang kalangitan doon. Nakakapagtaka lang dahil ng tignan ko ang itaas ko ay madilim doon at wala namang gusaling makikita. Baka sa kabilang bahagi ng karagatang ito ang hinahanap ko? Ano ba ang hinahanap ko? Umiling-iling ako at hinayaang ang sariling mahulog sa karagatan. Payapa ang aking isip at nakapikit na inihulog ang sarili. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng tubig at kung anong klaseng tubig ba ito at nakakahinga ako ng maluwag saka walang takot na baka malunod. Habang papalubog, may mga boses akong naririnig, tawanan, kwentuhan. Normal ba ito? "Sis! Sis!" Ha? Napadilat ako sa narinig. Tama ba ang boses na narinig ko? "John?" Napabalikwas ako ng upo at inilibot ng tingin ang paligid. Familiar ang lugar na ito. "Ate! Ano ba! Buksan mo nga ang pinto'ng ito kung hindi ay--" Malalaki ang hakbang aking aking ginawa papunta sa pintuan at binuksan iyon at walang pagdadalawang-isip na niyakap ang aking kapatid nang makita siya. "Nanaginip ka na naman ba nang hindi maganda? Ang sabi ko naman sa iyo ay tigilan mo ang kdrama tuwing gabi." He's real. He's here! Humiwalay ako sa kaniya, sapat na upang makita ang kaniyang mukha. Itinaas ko ang aking kamay at hinaplos ang kaniyang pisngi. God, I really missed you. "You're scaring me, dude." May pagtataka sa kaniyang mukha. "Iyan ba ang epekto sa pag-aaway nyo ng gagong 'yun? Sabi ko na nga ba hindi siya healthy para sa'yo." Huh? "Anong away?" tanong ko rito. Kumunot ang kaniyang noo at hindi makapaniwalang tinitigan ako ng matagal bago ako sinagot. "You're beloved Boyfriend, of course. Maliban sa gago mong kasintahan, wala ka ng ibang pwede makaaway. Okay ka lang ba? Hangover ba? Nakita kita umiino--" Itinaas ko ang palad ko at senyales na tumigil siya. Nag-away kami ng kasintahan ko? Sa pagkakaalala ko ay ang nag-iisang kasintahan ko lang noon ay ang lalaking namahiya sa akin. Patrick Salves. Is this for real?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD