WARNING: This story contains Aldult Theme, s*x and Xtreme Violence. Readers discretion is advised. Rated 16+ *********** "BESTF̶R̶I̶E̶N̶D̶" ni Madam K ( iamkenth™ ) *********** Part14 - "Professor" *GABRIEL* 11:13 PM ALAK. Ang tanging nagpapatulog sa akin sa gabi. Kung hindi ako iinom nito hindi ako makakatulog. Ang sabi ng katawan ko magpahinga na ako pero sabi ng diwa ko---tumagay ka muna. Bumalik na naman ang bisyo ko sa alak. Tinigilan ko na ito noon eh. Simula noong maging kami ni Casandra. Pero noong bago ko siya makilala halos gawin ko ng tubig ang alak. Marami akong ka-tropa, kasama sa tagayan at kalokohan. At kapag wala kaming pambili ng alak---kaniya kaniya kami diskarte magpera lang, makainom lang. Magsanla ng cellphone, magbenta ng silver---at syempre ang mas pinakama

