bf#42 - its official *GABRIEL* 9:13 AM "Magandang umaga po." Bati ko sa mama ni Wendell. Kadarating lang namin dito sa kanila---malapit lang sila sa pinaka-city kaya halos magkakalapit ang mga bahay nila rito. Napansin ko na mula sa binabaan namin, kilala 'tong si Wendell. Malaki ang bahay nila--sementado pero isang palapag lang. Sa harap ng bahay nila school pero likuran ng school. May back gate pero sabi niya mas maraming nadaan sya main gate. Elementary school lang naman iyon. May malawak silang space sa bandang likuran---may mga alaga silang manok at baboy. Sa likod ng babuyan---malawak na palayan na. "Magandang umaga rin. Pasok ka." Sabi ng nanay niya. May edad na rin ang nanay niya---pero sapalagay ko, mas matanda si mama sa kaniya ng ilang taon. Nasa labas pa si Wendell, nasa ba

