bf#38 - "Phone and Gun" *GABRIEL* 2:45 PM - December 08 @ West Police District HINDI pa kompirmado kung kay Earlson nga ba ang bangkay na natagpuan noong Linggo sa Kanlunganan Dumpsite. Pero batay sa mga pamilya ni Earlson---ang suot ng bangkay ay ang suot ni Earlson noong huling araw na nakita siya. Kasing taas at kakatawan ni Earlson ang nakitang katawan. Kaya naman---hindi rin malabong ang katawan na natagpuan ay si Brian Galdo. Ayon din sa autopsy, may malalim na saksak ito sa likuran at itak ang ginamit rito pero hindi ito ang kinamatay ng biktima---ayon sa forensic report ang kinamatay niya ay nang sunugin ang mukha niya. May bakas ng gapos sa kamay nito. Hinihintay pa ang DNA result para malaman kung sino ba talaga ang bangkay na natapuan. Sinadya na ilagay ang ID ni Earsol sa

