*PEARL* 2:34 PM ANG Huling naalala ko bago ako mawalan ng malay ay nakasakay ako ng sasakyan. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari----ngayon nga ay kagigising ko lang. Higit limang araw akong walang malay sabi ng gwapong doktor na tumulong sa akin. Pero wala akong oras sa pagpapa-cute dahil nasa panganib ang buhay ng bakla kong kaibigan na si Wendell. Ayaw pa niya akong paalisin sa hospital dahil kagigising ko lang daw pero hindi ako pwedeng humiga nalang at magpahinga habang nasa tabi si Wendell ng baliw na si Sebastian. Kaya naman na ng katawan ko---limang araw na akong nagpapahinga. May lakas na ako ulit para harapin ang demonyong baliw. Nakalabas ako ng hospital at sumama na ako sa mga pulis na pumunta. Nalaman ko nalang na nasa Lucena kami. "Hmmm. Sir, you look familiar.

