bf#21 - "Threat" *PEARL* 7:53 AM "What? Sinampal ko siya?" Nakakabigla talaga ang accusation sa akin nitong baklang 'to. Kaya pala kanina parang di niya ako pinapansin. So, I asked her, anong problema niya. "Iyon ang sabi ni Geomar. Sinampal mo raw siya. Halos namamaga kaya face niya pagdating niya sa practice." Sabi ni Wendell. "No. Hindi ko siya sinampal. Hindi nga man lang nga dumikit ang balat ko sa balat niya." Sabi ko, "...nasa CR ako, then pumasok siya. He threatened me Wendell." dagdag ko. "He threatened you? Bakit niya naman gagawin sa iyo 'yon?" Tanong niya. Bumuntong hininga muna ako, anytime soon, papasok na dito yung demonyong iyon. "Fren, makinig ka sa akin. Hindi mabuting tao si Geomar. Hindi natin alam kung anong mga pinaggagawa niya." Sabi ko. "Kaya mo siya sinamp

