Kamalas naman nito sa mga
kaibigan at iniwan ito nang
ganoon lang sa bar. Pero this
is the right timing na hinihintay
niya.
Nakita niyang may lumapit
ditong mga kalalakihan nang
mapansin ng mga itong
nag-iisa ito sa upuan.
Hi Ms. beautiful can we invite
you out of this bar?Tila
panunubok
ng mga ito kung
nagreresponse pa
ang dalaga, pero tila
nahihimbing
na ito tinalaban na talaga ng
alak .
Nagsensyasan ang mga ito at
akmang aalalayan ang dalaga para
sa balak ng mga ito nang magsalita
siya.
" What are you doing to my
girlfriend? I just left her to go
to comfort room and we'll be
leaving, matatag niyang sabi
sa mga ito.
Buti na lang at mukhang wala
naman balak lumaban ang
mga ito.
Oh sorry dude, akala naman
walangkasama si Ms.beautiful,
sasamahanlang sana namin
siya.
Kalmado lang siya dahil
ayaw din niya magbuhat ng
kamay kahit gusto na niya
manapak sa pambabastos ng
mga ito sa dalagang walang
kamalay malay.
Thank you sa concern tol,
pwede na ba kami umalis ng
girlfriend ko.
Okay dude!
Nang aalalayan na niya ang
dalaga.
" Akala mo ba tol maiisahan
mo kami sa babaeng ito? Sabi
nitong ikinagulat niya, alam na
niya ang tono nito,
mahihirapan
siyang lumabas kapag di
nauubos ang limang ito.
Akma siyang susuntukin nang
maiwasan niya ito at hawakan
ang kamao nito at palipitin.
Napaaaray
ito kaya tumulong ang isa at
sinugod siya, hindi rin ito
umubra
kaya lumapit na din ang d
alawa sa likod. Nagkagulo ang
tao sa bar at naglabasan pero
ang babaeng pinag-aawayan
ay himbing na
himbing lamang. Iinom inom
kasi hindi nilalagay sa tiyan.
Sinipa niya
ang isa at umikot para masipa
din ang ikalawa na may hawak
na balisong. Maya maya
nagtakbuhan ang mga ito
nang bumulagta na
sila. Inayos niya ang sarili at
inilalayan ng lumabas ang
dalagang mahimbing pa din sa
pagkakatulog.
Isinakay niya ang dalaga sa
sa passenger seat at nilagyan
ng seatbelt at pinaandar na
ang sasakyan, malayo layo din
ang ibabiyahe nila mula sa
siyudad.
Kinabukasan...
Nagising si Lian sa di pamilyar
na kuwarto. Nilibot niya ang
paningin at may kalakihan ang
kuwarto na modern style ang
pagkakagawa. Dark gray ang
curtain na itinerno sa kobre kama
maging sa mga pillow cases, very
manly ang paligid, napakasimple
yet sopistikada ang dating ng
combination ng white and black na
pintura ng kabuuan ng kwarto.
Walasiyang matandaan
matapos ng
sinabi ng dalawang kaibigan na
sasama lang daw sa parking
lot sa
mga nakilalang lalaki kagabi at
alam naman niya ang gagawin
ng mga ito.Saka naaalala na
nangako
ang mga ito na babalikan siya.
Pero nasaan siya, hindi naman
ito angcondo ni Diana at hindi
namansiya isasama ni Krisha
sa bahay ng
mga ito dahil mahigpit ang
daddy nitong isang politiko,
kaya ayaw
nitong nagdadala ng mga
barkada ang huli sa mansyon
ng mga ito,dahil mistulang
kongreso ang
bahay nito dahil sa mga
bumibisitang kapwa matataas
na opisyal ng gobyerno.
Tiningnan
niya ang sarili at kinapa kung
may masakit ba sa kanya at
nakahinga siya ng maluwag ng
walang maramdaman na
kakaiba sa katawan. Ibig
sabihin buo pa siya.
Tumayo at muli naramdaman
niya ang sakit ng ulo at parang
may gustong tumulak sa
sikmura , napatakbo siya sa
CR ng kwarto,
pinihit ang seradura nito at
napatili nang may
mabungarang
lalaki na nakatapis sa loob
nito.
Napatakip siya ng mata at
biglang labas ng CR.
Hoy Mister, anong ginagawa
mo dito? Magdamit ka na nga,
nangagalaiti niyang sabi sa lalaki.
For your information Miss, this
is my place so I am free to do what
I like, saka malay ko bang gising ka
na,sagot nito. Saka bigla bigla
ka na lang pumapasok sa CR ni
hindi ka man lang kumakatok, galit
na balik nito sa kanya.
Malay ko bang may tao sa
loob, sigaw pa din niya.
Kumilos ito at may kinuha sa
isang drawer at pumasok muli sa
CR.
Nakahing siya ng maluwag ng
magsara ang pinto ng CR at dumilat
muli, bigla siyang pinagpawisan,
totoo ba ang nakita niya, iyong
lalaking arogante na nagligtas sa
kanya sa bastos na katabi ang
nabungaran niyang halos
nakahubad dahil tanging tuwalya
lamang ang suot nito.Parang bigla
siyang pinagpawisan kahit
napalamig ng aircon.
Saka napagtanto, bakit siya
ang kasama ko dito? Nasaan ako,
at anong ginawa niya sa akin?
Tama na ang pag-iisip mo
Miss, lumabas itong nakabihis na
ng plain T shirt na white at plain
shorts din para itong player ng
tennis sa suot nito at
napakagwapo. Naputol ang
pagpapantasya niya ng kuhanin
nito ang posas sa isang drawer at
ilagay sa kanya. Hinatak siya nito
malapit sa kama.Nagpupumiglas
siya pero wala ang lakas niya
kumpara dito.Iniupo siya nito sa
kama.
Mula ngayon dito ka lang sa
kuwarto na ito magstay at nilock
nito ang posas.
Who the hell are you?Pasigaw
na tanong niya dito.Bakit mo
ginagawa sa akin ito? Maluha luha
na siya at natatakot.
Wala kang makukuhang
sagot sa akin Miss kaya manahimik
ka na lang diyan. Kapag maliligo ka
tawagin mo ako at tatanggalan kita
ng posas.
Don't worry hindi naman kita
paliliguan, I will let you clean
yourself alone, or else you
want me to do so, pang-aasar pa
nito.
Bastos! Pag nahanap ka ng
Lolo ko malalagot ka!
Nginitian lang siya nito ng
matamis at iniwan na sa kwarto
ng may posas sa kamay.
SHE is shocked what will happen
to her, ang nagligtas sa kanya,
kidnapper pala, nakakaattract pa
naman ang perfect na itsura nito
iyon pala kidnapper. Umiiyak na
siya, at nagsisisi na sumama sama
pa siya sa mga kaibigan last night,
heto tuloy siya nasa kamay ng
isang abductor na kung idedescribe
niya isang perfect na lalaki, pero
anong pakay nito bakit siya
kinidnap? Madaming tanong siya
sa isip at naalala ang lolo at mga
magulang. Ngayon niya narerealize
ang pagsuway sa mga ito at
madalas na pagtakas ng gabi para
magwalwal sa mga bar kasama ang
mga kaibigan.
Inikot niya ang mata baka
makakita ng pag-asa para
makatakas. Pero parang wala
siyang pwedeng labasan. Sliding
window ang mga bintana pero may
grills ang mga ito sa labas at nakita
niya sa medyo nakalihis na kurtina
sa isang side ng kuwarto, bumaling
siya sa kabila at mukhang ganoon
din ito.
Natawag niyang bigla ang
mga santo, paano siya
makakalabas dito? Sino ang
magliligtas sa kanya?
Ngayon niya naalala ang mga
kaibigan, bakit siya pinabayaan ng
mga ito?At bakit kasi nagpakalango
lango siya sa alak kagabi gayung
di naman talaga siya hard drinker
iyon tuloy nakidnap siya ng wala
siyang kamalay malay.
Samantala nagkakagulo
ngayon sa mansiyon ng mga
Fuentabella. Nagkakape ang
mommy ni Lian at naisip na
ipagising na sa kasambahay ang
anak dahil may pasok pa ito, ngunit
nang katukin nito ang kuwarto at
pasukin, wala ang anak sa kama at
maging sa cr nito. Tinatawagan nila
ang cellphone nito pero out of
coverage area. Nanggalaiti na ang
daddy ni Lian at nagiiyak na rin ang
mommy niya. Pinareview nila ang
CCTV at nakitang tumakas ito
kagabi habang natutulog ang
guard. Nabisto tuloy ito na
tinutulugan ang puwesto kaya
natakasan ng dalaga. Galit na galit
ang lahat maliban lamang sa isang
tao na hindi nila masyadong
napapansin dahil sa abala silang
kontakin ang mga kakilala ng anak.
Tinawagan nila si Diana, at
umamin ito na magkakasama sila
kagabi at sinabi din na iniwan nila
ang dalaga sa pwesto at nang
balikan wala na ito doon. Akala nila
umuwi na itong mag-isa iyon
pala ay nawawala ang kaibigan.
Nag-aalala din ang mga ito at
nagsisisi na nalasing at inuna ang
tawag ng laman bago ang kaibigan.
Nireview ang mga CCTV at
nakakapagtaka na ang kuha ng
CCTV ng gabi ay nasira.
Pinablotter na nila ang dalaga at
naibalita na din na ang
tagapagmana ng FUENTABELLA
GROUP Of Companies ay
nawawala.
Naihagis ni Renato Soliven
ang baso ng alak nang marinig
ang balitang nawawala ang apo ng
Kumpadreng si Don Edmundo
Fuentabella na tanging
tagapagmana nito ng kayamanan
ng angkan. Nakatakda nilang
ipakasal ito sa kanyang anak na
si Lenard dahil gusto nila ng
kumpadre na mapalawig ang
negosyo pero lingid dito, na mahina
na ang negosyo niya at kaya nais
niya ipakasal ang anak ay para
makuha ang kayamanang taglay
ng mamanugangin. Sa ikalawang
linggo sana sila pupunta sa mga
mansiyong ng nga ito upang
mamanhikan, ngunit bigla itong
napabalitang nakidnap.
Kung minamalas ka nga
naman, kung kailan malapit ko nang
mapasakamay ang Fuentabella
Group of Companies dahil sa iyo
Lian saka ka pa nawala.
Tinawagan niya ang isa sa mga
magaling na tauhan.
Hello, may ipapagawa ako
sa iyo, kailangan mo siyang
mahanap sa lalong madaling
panahon, mariin niyang sabi sa
kausap sa telepono.
May araw ka din Don
Edmundo, akala mo ba forever mo
akong tuta. Hindi ako papayag sa
gusto mo gagawa ako ng paraan
para ikaw naman ang maging
sunud-sunuran sa ko, bulong sa
sarili ng matagal nang maitim na
balak sa pamilya Fuentabella.