She is totally lost!

1490 Words
Kamalas naman nito sa mga kaibigan at iniwan ito nang ganoon lang sa bar. Pero this is the right timing na hinihintay niya. Nakita niyang may lumapit ditong mga kalalakihan nang mapansin ng mga itong nag-iisa ito sa upuan. Hi Ms. beautiful can we invite you out of this bar?Tila panunubok ng mga ito kung nagreresponse pa ang dalaga, pero tila nahihimbing na ito tinalaban na talaga ng alak . Nagsensyasan ang mga ito at akmang aalalayan ang dalaga para sa balak ng mga ito nang magsalita siya. " What are you doing to my girlfriend? I just left her to go to comfort room and we'll be leaving, matatag niyang sabi sa mga ito. Buti na lang at mukhang wala naman balak lumaban ang mga ito. Oh sorry dude, akala naman walangkasama si Ms.beautiful, sasamahanlang sana namin siya. Kalmado lang siya dahil ayaw din niya magbuhat ng kamay kahit gusto na niya manapak sa pambabastos ng mga ito sa dalagang walang kamalay malay. Thank you sa concern tol, pwede na ba kami umalis ng girlfriend ko. Okay dude! Nang aalalayan na niya ang dalaga. " Akala mo ba tol maiisahan mo kami sa babaeng ito? Sabi nitong ikinagulat niya, alam na niya ang tono nito, mahihirapan siyang lumabas kapag di nauubos ang limang ito. Akma siyang susuntukin nang maiwasan niya ito at hawakan ang kamao nito at palipitin. Napaaaray ito kaya tumulong ang isa at sinugod siya, hindi rin ito umubra kaya lumapit na din ang d alawa sa likod. Nagkagulo ang tao sa bar at naglabasan pero ang babaeng pinag-aawayan ay himbing na himbing lamang. Iinom inom kasi hindi nilalagay sa tiyan. Sinipa niya ang isa at umikot para masipa din ang ikalawa na may hawak na balisong. Maya maya nagtakbuhan ang mga ito nang bumulagta na sila. Inayos niya ang sarili at inilalayan ng lumabas ang dalagang mahimbing pa din sa pagkakatulog. Isinakay niya ang dalaga sa sa passenger seat at nilagyan ng seatbelt at pinaandar na ang sasakyan, malayo layo din ang ibabiyahe nila mula sa siyudad. Kinabukasan... Nagising si Lian sa di pamilyar na kuwarto. Nilibot niya ang paningin at may kalakihan ang kuwarto na modern style ang pagkakagawa. Dark gray ang curtain na itinerno sa kobre kama maging sa mga pillow cases, very manly ang paligid, napakasimple yet sopistikada ang dating ng combination ng white and black na pintura ng kabuuan ng kwarto. Walasiyang matandaan matapos ng sinabi ng dalawang kaibigan na sasama lang daw sa parking lot sa mga nakilalang lalaki kagabi at alam naman niya ang gagawin ng mga ito.Saka naaalala na nangako ang mga ito na babalikan siya. Pero nasaan siya, hindi naman ito angcondo ni Diana at hindi namansiya isasama ni Krisha sa bahay ng mga ito dahil mahigpit ang daddy nitong isang politiko, kaya ayaw nitong nagdadala ng mga barkada ang huli sa mansyon ng mga ito,dahil mistulang kongreso ang bahay nito dahil sa mga bumibisitang kapwa matataas na opisyal ng gobyerno. Tiningnan niya ang sarili at kinapa kung may masakit ba sa kanya at nakahinga siya ng maluwag ng walang maramdaman na kakaiba sa katawan. Ibig sabihin buo pa siya. Tumayo at muli naramdaman niya ang sakit ng ulo at parang may gustong tumulak sa sikmura , napatakbo siya sa CR ng kwarto, pinihit ang seradura nito at napatili nang may mabungarang lalaki na nakatapis sa loob nito. Napatakip siya ng mata at biglang labas ng CR. Hoy Mister, anong ginagawa mo dito? Magdamit ka na nga, nangagalaiti niyang sabi sa lalaki. For your information Miss, this is my place so I am free to do what I like, saka malay ko bang gising ka na,sagot nito. Saka bigla bigla ka na lang pumapasok sa CR ni hindi ka man lang kumakatok, galit na balik nito sa kanya. Malay ko bang may tao sa loob, sigaw pa din niya. Kumilos ito at may kinuha sa isang drawer at pumasok muli sa CR. Nakahing siya ng maluwag ng magsara ang pinto ng CR at dumilat muli, bigla siyang pinagpawisan, totoo ba ang nakita niya, iyong lalaking arogante na nagligtas sa kanya sa bastos na katabi ang nabungaran niyang halos nakahubad dahil tanging tuwalya lamang ang suot nito.Parang bigla siyang pinagpawisan kahit napalamig ng aircon. Saka napagtanto, bakit siya ang kasama ko dito? Nasaan ako, at anong ginawa niya sa akin? Tama na ang pag-iisip mo Miss, lumabas itong nakabihis na ng plain T shirt na white at plain shorts din para itong player ng tennis sa suot nito at napakagwapo. Naputol ang pagpapantasya niya ng kuhanin nito ang posas sa isang drawer at ilagay sa kanya. Hinatak siya nito malapit sa kama.Nagpupumiglas siya pero wala ang lakas niya kumpara dito.Iniupo siya nito sa kama. Mula ngayon dito ka lang sa kuwarto na ito magstay at nilock nito ang posas. Who the hell are you?Pasigaw na tanong niya dito.Bakit mo ginagawa sa akin ito? Maluha luha na siya at natatakot. Wala kang makukuhang sagot sa akin Miss kaya manahimik ka na lang diyan. Kapag maliligo ka tawagin mo ako at tatanggalan kita ng posas. Don't worry hindi naman kita paliliguan, I will let you clean yourself alone, or else you want me to do so, pang-aasar pa nito. Bastos! Pag nahanap ka ng Lolo ko malalagot ka! Nginitian lang siya nito ng matamis at iniwan na sa kwarto ng may posas sa kamay. SHE is shocked what will happen to her, ang nagligtas sa kanya, kidnapper pala, nakakaattract pa naman ang perfect na itsura nito iyon pala kidnapper. Umiiyak na siya, at nagsisisi na sumama sama pa siya sa mga kaibigan last night, heto tuloy siya nasa kamay ng isang abductor na kung idedescribe niya isang perfect na lalaki, pero anong pakay nito bakit siya kinidnap? Madaming tanong siya sa isip at naalala ang lolo at mga magulang. Ngayon niya narerealize ang pagsuway sa mga ito at madalas na pagtakas ng gabi para magwalwal sa mga bar kasama ang mga kaibigan. Inikot niya ang mata baka makakita ng pag-asa para makatakas. Pero parang wala siyang pwedeng labasan. Sliding window ang mga bintana pero may grills ang mga ito sa labas at nakita niya sa medyo nakalihis na kurtina sa isang side ng kuwarto, bumaling siya sa kabila at mukhang ganoon din ito. Natawag niyang bigla ang mga santo, paano siya makakalabas dito? Sino ang magliligtas sa kanya? Ngayon niya naalala ang mga kaibigan, bakit siya pinabayaan ng mga ito?At bakit kasi nagpakalango lango siya sa alak kagabi gayung di naman talaga siya hard drinker iyon tuloy nakidnap siya ng wala siyang kamalay malay. Samantala nagkakagulo ngayon sa mansiyon ng mga Fuentabella. Nagkakape ang mommy ni Lian at naisip na ipagising na sa kasambahay ang anak dahil may pasok pa ito, ngunit nang katukin nito ang kuwarto at pasukin, wala ang anak sa kama at maging sa cr nito. Tinatawagan nila ang cellphone nito pero out of coverage area. Nanggalaiti na ang daddy ni Lian at nagiiyak na rin ang mommy niya. Pinareview nila ang CCTV at nakitang tumakas ito kagabi habang natutulog ang guard. Nabisto tuloy ito na tinutulugan ang puwesto kaya natakasan ng dalaga. Galit na galit ang lahat maliban lamang sa isang tao na hindi nila masyadong napapansin dahil sa abala silang kontakin ang mga kakilala ng anak. Tinawagan nila si Diana, at umamin ito na magkakasama sila kagabi at sinabi din na iniwan nila ang dalaga sa pwesto at nang balikan wala na ito doon. Akala nila umuwi na itong mag-isa iyon pala ay nawawala ang kaibigan. Nag-aalala din ang mga ito at nagsisisi na nalasing at inuna ang tawag ng laman bago ang kaibigan. Nireview ang mga CCTV at nakakapagtaka na ang kuha ng CCTV ng gabi ay nasira. Pinablotter na nila ang dalaga at naibalita na din na ang tagapagmana ng FUENTABELLA GROUP Of Companies ay nawawala. Naihagis ni Renato Soliven ang baso ng alak nang marinig ang balitang nawawala ang apo ng Kumpadreng si Don Edmundo Fuentabella na tanging tagapagmana nito ng kayamanan ng angkan. Nakatakda nilang ipakasal ito sa kanyang anak na si Lenard dahil gusto nila ng kumpadre na mapalawig ang negosyo pero lingid dito, na mahina na ang negosyo niya at kaya nais niya ipakasal ang anak ay para makuha ang kayamanang taglay ng mamanugangin. Sa ikalawang linggo sana sila pupunta sa mga mansiyong ng nga ito upang mamanhikan, ngunit bigla itong napabalitang nakidnap. Kung minamalas ka nga naman, kung kailan malapit ko nang mapasakamay ang Fuentabella Group of Companies dahil sa iyo Lian saka ka pa nawala. Tinawagan niya ang isa sa mga magaling na tauhan. Hello, may ipapagawa ako sa iyo, kailangan mo siyang mahanap sa lalong madaling panahon, mariin niyang sabi sa kausap sa telepono. May araw ka din Don Edmundo, akala mo ba forever mo akong tuta. Hindi ako papayag sa gusto mo gagawa ako ng paraan para ikaw naman ang maging sunud-sunuran sa ko, bulong sa sarili ng matagal nang maitim na balak sa pamilya Fuentabella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD