Alessandra's POV Magkahawak kamay kami ni Philippe nang pumasok sa bahay. I'm feeling so nervous nandito kami sa bahay nila Ma'am Eliza at Sir Danilo. Dito nila dinala ang kambal nang matapos ang celebration. "Good evening, Sir Philippe at Ma'am Alessandra," bati ng mga maid at yumukod pa sila. Naasiwa naman ako sa ginawa nila. Hindi naman ako ang may-ari ng bahay kung makayukod sila sa akin. "Iha, I'm glad na narito na kayo. I thought you'll stay there hanggang bukas. Akala ko nga doon na kayo matutulog at bukas na uuwi," biro ni Ma'am Eliza. Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Iniisip niya bang may gagawin kami ni Philippe doon? Ano kayang inisip nila-nakakahiya. Ngayon ka pa ba mahihiya Alessandra may anak na nga kayo. "Mom!" saway ni Phil sa Mo

