ALESSANDRA'S POV Dahil sa sobrang pagod sa paglalaro kanina nakatulog ang dalawa. Buti hindi na sila nagpumilit bumalik muli sa dagat. Mainit na ang sikat ng araw dahil tanghali na rin. Ayoko naman magkaroon ng sunburn ang kambal. Medyo nasunog na nga rin ang balat ko dahil nababad sa araw. Binantayan ko ang kambal maging si Sir Philippe kanina. Nalibang rin kasi ako sa katitig sa guwapong boss. Nangitim na nga rin ito ngunit gayon man hindi pa rin nabawasan ang kaguwapuhan nito. Pinagtitinginan nga siya ng mga sexy na babae doon kanina. Gusto ko ngang sabihin sa mga babae na may anak na po 'yan. Pero hindi niya nga pala alam. Nagstay lang muna kami sa suite namin. Mamaya na lang kami lalabas kapag kakain na at hindi na maaraw. Tumabi muna ako sa kambal upang umidlip muna. PHILIPPE

