Henry's POV Dinala ko sa hospital si Alessandra ng nawalan ito ng malay. Wala na akong oras pa para ipaalam kay Kuya Philippe sa nangyari. Naawa ako sa hitsura ni Alessandra. Putok ang gilid ng labi nito at may pasa siya sa kanyang pisngi. Nagkabukol pa ito sa noo dahil sa pagkakauntog nito sa table. Nawalan ito ng malay dala siguro ng pagkakauntog nito sa lamesa. Hindi ko mapapatawad si Anastacia sa ginawa niya kay Alessandra. I will sue her. Pinablotter ko ang babaeng iyon. Kailangan niyang managot sa ginawa niya. I called my lawyer para magsampa ng reklamo. Napatingin ako sa taong humahangos papunta sa kinahihigan ni Alessandra. Hindi niya napansin na nakaupo ako sa may sofa. Dire diretso itong lumapi sa higaan ni Alessandra. "Oh, god, Alessandra what happened to you?!" hinawakan n

