Alessandra's POV Pagkatapos ng simba nagpunta kami ng grocery. Kakasweldo ko lang kasi noong Friday. Isinama ko ang kambal dahil dayoff ng yaya nila walang magbabantay. Tsaka gusto ko rin ipasyal ang dalawa para naman malibang sila. "Mga anak hawak lang kayo sa akin baka mawala kayo." Bilin ko sa kanila. "Opo, Mama," sagot ni Leandro habang si Lessandro naman ay patingin-tingin sa mga naka-display na mga pagkain sa shelf. "Gusto niyo ba sumakay dito sa cart?" tanong ko sa dalawa. Tumango sila. Binuhat ko upang ilagay sa cart. Mas magandang dito sila kaysa naglalakad. Habang abala ako sa pagkuha ng delata may bumangga sa akin. " Ayy..." napasigaw ako at nabitawan ko ang hawak kong de lata. Nagkalat ito sa sahig. Napatingin ako sa lalaking bumangga sa akin. Yumuko ito pagakatapos

