Nakatanggap ako ng text mula kay Ma'am Anastacia. Kinabahan ako dahil ang huling encounter namin ay hindi maganda. Pero kung sa ikatatahimik ng lahat kailangan ko siyang harapin at makausap na din ng masinsinan. Gusto ko din humingi ng tawad dahil ako ang dahilan kaya nasaktan siya. Ibinilin ko muna sa yaya ang kambal. Baka hapon na ako makauwi. Dadaanan ko pa kasi ang bahay namin at kukuha ng damit ko. Ayoko naman isama ang dalawa dahil baka may hindi magandang mangyari masaktan pa ang mga anak ko. Kahit ako na lang ang masaktan huwag lang sila. Pumara na ako ng taxi. Kahit nasa biyahe hindi maalis ang kaba at takot ko. Nakarating na ako sa pagkikitaan namin. Isang restaurant ang napag-usapan naming lugar. Pagkapasok ko iginala ko ang mata ko. Nahagip ng tingin ko ang dalawang tao n

