First Day
Tanghali nang nagising si Elise. Ito ang unang araw niya sa kanyang trabaho bilang katulong sa isang mansyon sa Maynila.
Elise's POV
"Asan na kaya si manong na mag susundo sakin? Sabi lang ni manang nita ay hintayin ko rito." aniya sa kanyang sarili
Nang may lumapit sakanya na matandang lalaki na naka uniporme " Neng, ikaw ba ay si elise de dios? ani to sakanya ng matandang lalaki
"Ay! Opo ako nga ho. Ikaw po ba si Manong lito?
"Oo neng, ako nga at pinapasundo ka ni nita at ikaw daw ang bagong katulong."
"Opo, ako nga po hehe." anito sa matandang lalaki
Pag lipas ng isang oras ay nakarating sila sa mansyon kung saan sya mag aaral.
Palinga linga si Elise sa bawat sulok ng mansyon at siya ay namangha dahil napaka ganda nito at napakalaki. Nabaling ang kanyang tingin sa isang litrato na napakalaki at nakita niya ang Isang Family Picture.
"Manang Nita!" anito sa matandang babae at nagmano
"O ikaw na pala yan Elise! Kaawan ka ng Diyos. Kamusta ka na?"
"Ito po ayos lang nang. Buti nga po at nabanggit ni Uni na nangangailangan kayo ng bagong katulong dito." Si Uni ay ang kanyang kababatang kaibigan na bakla na apo naman ni Manang Nita.
"Ay oo nga nabigla nga ako sakanya ng irekomenda ka niya. Diba't nag aaral kapa?"
"Opo nang. Ay yung nga din po ang itatanong ko sainyo na kung pwede papasok muna ako sa skwelahan sa umaga, uuwi naman po ako bago pa magtanghalian."
"Nako Elise wag kang mag alala at nasabi ko na iyan sa amo natin na si madam Klara. At pumayag naman siya."
"Talaga manang? Hala napaka saya ko naman!!!"
"O siya hala tara na't isasama muna kita sa magiging kwarto mo. At mamaya makikila mo ang mga amo natin"
"Sige po nang,"
Nakarating na sila Elise sa kanyang magiging kwarto. Namangha siya dahil siya lamang daw ang gagamit ng kwarto ani manang nita sa kadahilanan nag aaral siya at walang istorbo.
Lumabas siya ng kwarto at tumungo sa kusina upang tumulong.
"O elise, nakapag pahinga ka na ba?" sabi ni manang nita
"Ay opo nang. Saka hindi naman ao napagod sa biyahe kanina. Tutulong nalang ho ako rito."
"O sige ihain mo na ito. At pag tapos mo tawagin mo na si Señorito Kent sa kanyang."
"Po? san po ang kaniyang kwarto?" pag tatanong ni elise
"Akyat ka diyan sa hagdan pinaka dulong pinto ay yun ang kwarto ni Señorito." sagot naman ni manang nita
"Sige po nang, Ilalagay ko na muna ito sa dining."
Pag katapos ayusing ni elise ang dining table ay nagtungo na siya sa itaas upang tawagin si Kent.
Malipas ang ilang segundo na pag katok nya ay binuksan na rin ng kanyang amo ang pintuan.
Kent Daniel's POV
Nagisng ito sa sunod sunod na katok sa kanyang kwarto.
"Sino kaya ito at napakalakas naman kumatok?"
Pag bukas ko ng pinto ay nastatwa ako ng makita ko ang isang babae na napaka ganda. ngayon ko lang nakita to dito. Ito kaya ang bagong katulong?
ng biglang siyang nag salita"Señorito, baba napo kayo at nakahanda na ang dinner."
"A-ah, y-yes. I'll j-just wash my face. Thanks" nauutal na sabi ni kent.
Pag baba ko nakita ko ang bagong katulong na nakikipag tawanan sa Parents ko at sa kapatid ko.
"O there is kuya! Kuya let's eat." sabi ng kanyang kapatid na si Kia at tinanguang lang niya
"Anak, Kent. This is Elise our new kasambahay. Sana naman at maging mabait ka na at wag mo ng pagsungitan." sabi ng kanyang ina na natatawa
"Ok." tipid na sagot ko