HERSHEY’S POV
Hindi man lang pinatagal ni Daddy ang hiling niya na tulungan ko si Stanley na i-foster ang pamangkin namin na si Kim. Isang linggo pa lang ang nakalipas simula nung sinabi niya sa amin ni Stan ang tungkol doon ay hindi ko akalain na muling babanggitin niya ulit ang tungkol doon sa akin ngayong umaga.
“A new house?!” Hindi makapaniwala na ulit ko sa sinabi ni Daddy. Kahit si Mommy na tahimik na kumakain ay hindi naiwasan na mapatigil sa pagkain dahil nabigla sa lakas ng boses ko!
Sino ba namang hindi mabibigla? Hindi ko akalain na kailangan pa naming bumukod ng bahay! Ang akala ko ay kung hindi dito sa bahay namin ay sa bahay nina Stanley kami titira kasama si Kim! Ang akala ko ay may ibang tao pa kaming makakasama sa isang bahay. Hindi ko akalain na titira kaming tatlo sa isang bagong bahay!
“Yes, Hersh. May problema ba sa sinabi ko?” Kunot ang noong tanong ni Daddy. Parang wala lang talaga sa kanya ang hayaan ako na tumira sa isang bahay kasama ang babaero at walang modo na Stanley Hwang na ‘yon!
Huminga ako ng malalim at agad na ipinaliwanag ang sitwasyon ko. Nag-iisa lang akong anak kaya hindi naman siguro nila hahayaan na makipag live in ako sa isang lalaki na bukod sa hindi ko naman mahal ay sobrang manyakis pa at mukhang mamamatay yata kapag nawalan ng babae sa buhay!
“Bakit naman po kailangan na bumukod pa kami, Dad? Ang luwang naman po nitong bahay. Pwede naman po na dito na lang kami tumira–”
“That was actually my original plan, Hershey,” mabilis na pigil ni Daddy sa sinasabi ko.
“So, bakit po nagbago ang isip ninyo?” mahinahon kong tanong. Hindi naman basta-basta lang nag desisyon si Daddy. Isa siyang mahusay na abogado at alam kong bago niya gawin ang isang bagay ay napag-isipan na niya ito ng mabuti.
“It’s what the doctor suggested,” sagot niya. Tuluyan akong natahimik lalo na nang makita ko ang agad na pagpapalit ng emosyon sa mga mata niya.
Si Daddy na ang nakasanayang ama ng pinsan kong si Krisha. Kaya nang mamatay ito ay nakita ko kung paano nadurog ang puso ni Daddy para sa anak nitong si Kim. Lumabas siya sa mundong ito na walang mga magulang kaya habang lumalaki si Kim ay nagsisimula nang maghanap ng kalinga ng mga magulang.
“Kim’s doctor suggested that she should live in a house with people she can consider as her parents,” pagpapatuloy ni Daddy. Mas lalo akong hindi nakapagsalita dahil seryosong seryoso siya habang nagpapaliwanag sa akin.
“At alam mo namang imposibleng mangyari ‘yan kung dito siya sa bahay natin titira dahil alam naman niya kung sino kaming dalawa ng Mommy mo sa buhay niya. Dalawang taon pa lang si Kim pero manang-mana siya sa ama niyang si Steven na matalino. Kahit sabihin namin ng Mommy mo na ituring niya kaming Mommy at Daddy niya ay alam niya kung ano ang totoo.”
Kagat ang ibabang labi na napayuko ako at parang biglang nakalimutan ko ang lahat ng mga gusto kong ireklamo kanina. Naaawa ako kay Kim dahil sobrang aga niyang nawalan ng mga magulang. Lumaki ako na punong-puno ng pagmamahal mula sa mga magulang ko lalo na at nag-iisa lang akong anak. At nalulungkot ako na isipin na hinding-hindi mararanasan ni Kim ang mga naranasan ko dahil una sa lahat ay lumabas siya sa mundong ito na hindi man lang nakikilala ang mga magulang niya.
“Your new house is just near here, Hershey. Anytime ay pwede kaming dumalaw ng Daddy mo doon pati na rin ang parents ni Stanley para dalaw-dalawin si Kim.”
Pati si Mommy ay nakisali na rin sa usapan kaya muling nabuhay ang kung anong hesitations ko sa pagtira sa iisang bubong kasama si Stanley Hwang!
“Dad, Mom… I’m single and a preschool teacher,” simula ko at saka ngumiti ng alanganin sa kanilang dalawa. “Paano naman po akong makakahanap ng boyfriend o ng mapapangasawa kung malalaman ng kahit na sinong lalaki na nakatira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki?” tuloy-tuloy na reklamo ko.
“I’m fine with helping Stan for fostering Kim but I am totally against the idea of living with him,” naiiling na sambit ko at tumingin sa kanilang dalawa. “And I don’t think Stanley would agree to that kind of setup as well–”
“But Stanley already agreed to it, Hershey…” agad na pigil ni Daddy sa sinasabi ko. Umawang ang bibig ko at hindi makapaniwala na tumingin sa kanya.
“Pumayag si Stan na tumira sa isang bahay kasama ako, Daddy?” tanong ko. Tumango agad siya.
“Yes. In fact, he was asking already when are you guys moving into your new house,” sagot niya at saka nagkibit balikat at tumingin kay Mommy. “Ano sa tingin mo, sweetheart? Kailangan siguro na bago mag three years old si Kim ay nakalipat na sila sa bahay nila,” pagpapatuloy ni Daddy. Sunod-sunod na napasinghap ako.
Kim will be three in a few weeks! Ibig sabihin ay kailangan na naming lumipat ng bahay bago pa lang siya mag-birthday!
“They can move into their new house next week. Tamang-tama naman dahil malapit na ring magbakasyon sa school hindi ba, Hershey?” sambit ni Mommy. Huminga ako ng malalim at saka wala nang nagawa kung hindi ang tumango. Pumasok ako sa school na halos hindi natapos ang pagkain dahil nawalan na ako ng gana. Hanggang sa nakarating ako sa school ay nagngingitngit pa rin ako dahil sa ginawang pagpayag ng Stanley na ‘yon na tumira kami sa iisang bahay kasama si Kim!
“Pumayag siya na tumira sa isang bahay kasama ko? Seriously, Stanley Hwang? Sawa ka na ba sa malayang buhay kaya gusto mo ng problema? Pwes… Ibibigay ko sayo ang problema na hinahanap mo!” gigil na bulalas ko bago nagsimulang magtrabaho.