Kabanata 3

418 Words
"Sir...tumayo kayo. Ang laki niyong tao." bulong bulong ko sa sarili habang pinipilit siyang maitayo. Sobrang bigat niya! Paano ko siya mabubuhat sa kama nito? Napakamot ako sa ulo. Dapat pala, weightlifter ang kinuha nilang mag-aalaga rito. "Sir!" may diin kong tawag sa kanya at niyogyog siya. Pero ayaw talagang magising. Wala na akong magagawa kundi ang humingi ng tulong. Bumaba ako at hinanap ang ginang. Mabuti na lang at nahanap ko naman siya agad. "Nay Lolit?" tawag ko sa kanya at napalingun siya sa akin habang kausap ang isang katulong na hindi ko pa kilala. Sabi sa amin ay sampu raw ang mga kasambahay ng mansyon. May huling sinabi siya sa kausap bago pa ito humarap sa akin. "Ano iyon, iha?" tanong niya. "Uh...kasi po si Señorito, lasing at nasa banyo. Hindi ko po kayang buhatin." nahihiya kong pagtatapat sa ginang. "Dios mio. Halika na." sabi niya sa akin at nagmdali na kaming umakyat sa taas. Pagkarating namin sa banyo ay walang tigil na ang sermon ng ginang. Animo'y naririnig ito ng sinsermonan niya. Pinagtulungan naming buhatin si Sir Alex papunta sa kama niya. Pati ang ginang ay hirap na hirap din sa ginagawa namin. "Paano na lang kung wala na ako, bata ka. Sino na lang ang mag-aalaga sayo!" tonog pag-aalalang sinabi ng ginang. Nasa kama na si Sir at wala pa rin itong kaalam-alam sa ginawa naming pagbuhat sa kanya. "Salamat po. Ako na po ang bahala." sabi ko sa ginang. "Salamat iha. May heater naman sa banyo niya, kaya do'n ka na lang kumuha ng tubig upang ipamunas mo sa kanya." utos niya sa akin at agad naman akong tumango. Kumuha ako ng malinis na bimpo sa banyo at binasa ko iyon gamit ang mainit-init na tubig galing sa shower. Piniga ko muna iyon at bumalik na sa kinaroroonan ng lalaki. Sinimulan ko agad punasan ang mukha niya bago pa ang braso niya, saka pa ang katawan niya. Maingat na maingat ako sa pagpupunas dahil natatakot akong magising ko siya o kung sino pa mang pwedeng magising. Masasabi kong pangarap ito ng ibang kababaehan...itong ginagawa ko. Ang malayang makita at mapunasan ang maganda niyang katawan. Pero para sa akin, swerte ako hindi dahil dito, kundi dahil sa malaking sweldo. "Hmmm." laking gulat ko nang umungol siya. Napahinto ako sa pagpupunas at tinitigan ko lang siya. Huwag ka munang gumising...please. Sabi ko sa isip ko. "Anong itsura niya, Honey? Pogi? Maganda ba ang katawan?" sunod-sunod na tanong ni Joce sa akin nang makababa na ako. Babalikan ko maya-maya si Sir, at baka magising siya. Hindi pa man din siya kumakain ng agahan. Sigurado rin akong masakit ang ulo no'n pagkagising. "Pogi naman." sagot ko kay Joce habang nakahiga sa kama. "Ang katawan?" kuryoso niyang tanong. Umirap ako sa kawalan bago pa sumagot. "Okay lang din." sagot ko, kahit ang totoo, sobrang pogi at sobrang ganda ng katawan niya! Pero siyempre, ayokong ipahalata sa kanya ang pagkamangha ko, at baka puro kantyaw na naman ang abutin ko sa kaibigan. "Gano'n ba? Akala ko pa naman sobrang gwapo. Hindi talaga lahat ng mayaman ay pogi." giit niya. Naputol kami sa pag-uusap nang biglang may sunod-sunod na katok kaming narinig. Nagmadali namang binukas ni Joce ang pintuan. "Si Sir gising na!" sigaw ng katulong sa amin at agad akong napabalikwas sa higaan, patakbo sa taas. Kinakabahan na ako habang tumatakbo papunta sa kwarto ni Sir. Bakit pa kasi ako bumaba. Sana, hinintay ko na lang siyang magising! Nang malapit na ako ay naririnig ko na ang pagsigaw ni Sir Alex. "Where's my nanny?!" pagalit niyang sigaw at mas lalo lang akong kinabahan! "S-Sir... A-Andito na po ako." hinihingal kong sinabi at nakita siyang nakaupo sa kama. Nakatukod ang dalawang kamay sa higaan at napabaling siya sa akin. Kinagat ko ang labi ko sa sobrang kaba dahil galit na galit ang mukha niya. Bulag ba talaga siya? Parang hindi siya bulag kong iyong titingnan. Wala sa sarili akong kumaway sa kanya para siguraduhing bulag nga siya. Bulag nga. "Give me my medicine." utos niya sa akin sa isang matigas na boses. Anong gamot ang sinasabi niya? "O-Opo." sagot ko at naghanap sa bedside table niya. Pero wala akong nakitang kahit na anong gamot! "S-Sir... nasaan po ang gamot niyo?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Wala talaga akong makita kahit saan sa paligid! "Are you stupid?! Sa tingin mo, hihingin ko sayo kung alam ko kong nasaan? Give me my headache medicine!" galit na galit niyang sikmat sa akin. Tanga! Ang tanga-tanga mo Honey! Nakalimutan mo bang bulag 'yon?! Siya pa talaga ang tinanong mo kung nasaan ang gamot! Kastigo ko sa sarili habang pababa ulit ako para kumuha ng gamot. Para akong hinahabol sa bilis ng pagtakbo ko. Nang nakabalik na ako sa kwarto ay inilapag ko sa bedside table ang basong may tubig na dala ko. "I-Ito na po." sabay abot ko sa kanya sa gamot. Hindi niya iyon tinanggap kaya ako na mismo ang kumuha sa kamay niya para maibigay iyon. Tinanggap niya ito at sunod kong inabot ang tubig. Matapos niyang mainom iyon ay tumayo siya agad at naglakad papunta sa banyo. Maliligo ba siya? Iihi o tatae? Kailangan ko ba siyang sundan? "Towel." sabi niya at nagmadali akong sumunod sa kanya para ibigay sa kanya ang towel. Kalmado na ngayon ang mukha niya, hindi 'gaya kanina. And gandang lalaki niya talaga... at parang... pamilyar ang mukha niya sa akin. Dahan-dahan siyang naglakad, nangangapa, papunta sa shower area. Akala ko talaga ako pa ang magpapaligo sa kanya, pero mukhang alam naman niya ang ginagawa niya. Napasinghap ako sa gulat nang bigla na lang niyang hinubad ang shorts niya! Mabilis naman akong tumalikod habang pigil ko ang aking hininga. Ganito ba palagi ang eksena? Palagi akong magugulat sa mga gagawin niya? Minabuti ko na munang lumabas ng banyo dahil hindi magandang kasama niya ako sa loob. Kahit pa bulag siya ay kailangan kong bigyan siya ng privacy. Naisip ko... ang mga dating nag-aalaga sa kanya, ganito rin kaya ang ginagawa nila? O sinisilipan nila si Sir? Kawawa pala siya kung gano'n. Abala ako sa pag-aayos habang naliligo si Sir Alex. Ang dumi ng kwarto niya. Nakakalat ang mga damit at magazine sa sahig. At mas lalong parang binagyo ang walk-in closet niya katabi ng banyo. Matatagalan yata ako sa paglilinis roon. Sinimulan ko nang tupiin at ayusin ang mga nagkalat na mga damit nang makarinig ako ng mga yabag. Napabaling ako sa likuran at nalaglag ang panga ko nang makitang nasa likuran ko na siya! Buti na lang at may jewelry table sa gitna, kung kaya't hindi ko makikita ang... ano niya! Hanggang beywang naman kasi ang taas ng table. Tumalikod ako agad at dahan-dahan ang ginawang pagtutupi. Natatakot akong makagawa ng ingay. "I know you're there." biglang pagsasalita niya at namilog ang mga mata ko. Paano niya naman nalaman?! Sigurado naman akong hindi ako gumawa ng ingay! "N-Nag-aayos po ako...ng mga damit niyo." sagot ko. "Hmm. Bigyan mo 'ko ng damit." utos niya at nilagay sa beywang ang tuwalyang nakalagay lang sa balikat niya kanina. Napahinga ako ng malalim. Salamat naman. Pumili ako ng masusuot niya at napili ko ang puting v-neck shirt at black sweat pants... pati black boxer shorts. Inabot ko iyon sa kanya at tinanggap niya iyon. Na realized ko, para ko siyang anak na inaalagaan ko. Pakakainin, dadamitan, at aalagaan. Ang pinagkaiba lang, may sweldo akong matatanggap. "What's the color?" tanong niya. "Puting shirt po, itim na shorts at itim na.... boxers." sagot ko at kumunot ang noo niya. "I don't like that!"sigaw niya at tinapon sa sahig ang mga iyon. Ano ba ang gusto niyang suotin?! Pinulot kong inis na inis ang mga iyon. Ang arte-arte naman ng bulag na 'to. Reklamo ko sa isipan ko. Kalma, Honey. 100 thousand ang sweldo mo. Patience honey, patience. "Ano po ba ang gusto niyong suotin?" kalmado kong tanong sa kanya. Pilit tinatago ang inis ko. "Anything." sagot niya naman agad sa akin. Siraulo pa lang ang lalaking 'to, e. Anything? Tapos ayaw niya sa damit na napili ko para sa kanya! "Sir... ano po iyong anything na tinutukoy niyo? Mahirap po iyong hanapin." pamimilosopo kong sagot sa kanya at kumunot agad ang noo niya sa sinabi ko. Ayan na naman ang galit niyang mukha. Pinagsisihan ko ang sinabi ko dahil masama na ang tingin niya sa akin! Para siyang hindi bulag! Tinitingnan niya ako kung nasaan ako mismong nakatayo! "I said anything! H'wag lang iyon!" pagalit niyang sikmat sa akin. "Sige po." sagot ko kaagad at inirapan siya. Buti na lang at bulag siya, hindi niya nakikita ang pag-irap ko sa kanya. Kinuha ko ang gray sweat pants at black v-neck shirt niya. Hindi na ako kumuha ng bagong boxers. Hindi niya rin naman malalaman. Wala rin naman siyang makukulay na damit. Puro itim, puti, gray at blue lang ang mga pang-bahay niya, maliban sa mga pang-alis niya na puro button down shirts at slacks. "Ito na po." sabay abot ko sa kanya sa mga damit. "Anong kulay?" aniya. "Black shirt, gray sweat pants and white boxers." walang gana kong sagot. Hindi siya sumagot. Mukhang nagustuhan na niya ang napili kong damit. Akmang huhubarin na niya ang tuwalya na buwis buhay ang pagkakapit sa beywang niya nang pigilan ko siya. "Sandali lang, Sir! Wait... lalabas na muna ako." sabi ko sa kanya at hindi ko na hinintay ang sagot niya. Gano'n na lang? Maghuhubad na lang siya basta-basta kahit alam niyang nandiyan lang ako? Kung mahalay lang talaga akong babae, hindi talaga ako lalabas at panunuorin ko siyang magbihis! Pasalamat siya nirerespeto ko siya bilang amo ko at bilang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD