Nakahiga na si Ada habang nakatingin sa kisame. Hindi niya makalimutan ang halik na pinagsaluhan nila ni Kevin. Hanggang ngayon ay tila sariwa pa rin sa kanyang mga labi ang tamis ng halik na pinagsaluhan nila. Pahamak lang talaga at nakagat niya ito. Pero kung hindi nangyari 'yun....Bigla niyang tinakpan ang mukha ng unan at tumili. Hindi naman siya inosente sa kung saan pwede abutin ang simpleng halik na 'yun lalo na at kilala si Kevin bilang isang babaero. Inalis niya ang unan sa kanyang mukha at niyakap ito. Gusto niya sanang itanong rito kung bakit siya hinalikan pero natatakot siya na baka sabihin nitong hindi niya sinasadya na nadala lang ito. Ang sakit siguro nun. Baka nga na-dissapoint na ito sa kanya dahil sa nakagat niya ito. Hindi nga siya sinundan nito at kahit isang messag

