Naiirita si Kevin sa mga kasama. Paano ba naman nagpumilit na sumama sa kanya na para bang mamamasyal siya. Papasok kaya siya sa trabaho. Nang makapasok na sila sa loob ng hotel ay tinahak niya ang daan patungo sa opisina ni Ada. "Ayun ang elevator, Kevin," sita ni Anthony sa kanya. Hindi niya pinansin ito at nagpatuloy sa paglalakad. Saktong paliko na siya ng may tumawag sa kanya. Lahat sila ay napatingin sa taong tumawag sa kanya. Isang magandang babae ang papalapit sa kanila. Napakunot noo siya dahil hindi niya mamukhaan ito. Nakasalamin kasi ito at may suot na safari hat. Siniko siya ni Anthony at nagtanong, " Isa ba sa fling mo? Hindi niya pinansin ang kapatid at hinintay makalapit ang babae. Nang makalapit ito ay inalis ang salamin at nakangiting humarap sa kanila. "Hi,

