Apollo POV Unti-unti kong nilamukos ang dyaryong binigay sa akin ng secretary ko. Dahil nakita ko sa headline si Zana. Magkahawak sila ng kamay ng walang hiyang si Julian na kuha sa labas ng airport at ang isa naman ay ang pagpasok nila ng sabay sa isang hotel. Hindi ko akalain na ang pag-iwan niya sa akin ang magiging daan ng kanyang pagbabago. Hindi ko na makita sa kanya ang dating si Zana. Ang simpleng babaeng minahal ko. Ang babaeng hangang ngayon ay hindi parin mawala sa puso ko. Labis akong nasaktan nang iwan niya ako noong araw na yun. Sa kabila ng mga usap-usapan tungkol sa amin nagbingi-bingihan ako. Halos isang taon kong itinapon ang buhay ko dahil sa pag-iwan niya sa akin. Habang nasa kawalan ako si Ate Monica at si Tallie ang nag-aasikaso sa negosyo. At wala akong ginawa ku

