Chapter 5

1147 Words
CHAPTER 5 Mag a-alas-sais na nang gabi at nakahanda na rin ako sa pagdating ni Apollo. Sinulyapan ko ulit ang regalo kong scented candle para sa kanyang Ina. Kinakabahan akong pagmasdan ang sarili ko sa salamin. Dahil baka hindi ako magustuhan ng kanyang mga magulang. Naisip ko sana pumayag na lang ako noon sa sinabi ni Apollo na ipapakilala niya ako sa mga magulang niya. Kaya lang hindi pa ako handa. Tapos biglang nagpro-prosed si Apollo. Kaya lalo akong nawalan nang pagkakataon na makilala sana sila. Suot ko ang kulay puti kong dress na lagpas tuhod ang haba at may maiksing mangas. May butones na itim sa gitna nito at may zipper sa likod. Kinuha ko naman ang black close shoes ko. Yung totoo, paborito ko kasi ang puti at itim kaya. Mahilig ako sa ganoong kulay ng damit. At alam yun ni Apollo. Nakarinig ako ng tatlong katok kaya siguradong si Apollo na yun. Kaagad akong nagtungo sa pinto upang pagbuksan siya. "Wow! You look so beautiful love." Sambit niya. "Salamat" "Are you ready?" "Maybe" Sagot ko. "Don't worry magugustuhan ka nila." "Sana nga Apollo" Hinawakan niya ang kamay ko at kinuha din niya ang dala kong regalo. Papalapit na kami sa kotse niya nang makita ko ang pagbaba ni Tallie mula sa driver seat ng kotse. Napatingin ako kay Apollo dahil hindi ko alam na kasama niya si Tallie. "Ah, I forgot to tell you sinundo ko si Tallie. And she insisted to drived" Nakangiting sagot niya sa akin. Napakaganda ni Tallie sa suot niya ngayon. Bagay na bagay lang naman sa kanya ang off shoulder fitted dress na may kaunting slit sa kanan ng hita niya. Napakaganda din ng make up niya. Parang gusto ko tuloy bumalik sa loob ng apartment. Pakiramdam ko kasi nagmukha na naman akong alalay sa kanila. Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Apollo sa kamay ko. Napatingin ulit ako sa kanya. At nakangiti lang siya sa akin. "Hi Zana! Best lilipat na ako sa passenger seat. Ayokong mag-mukhang driver niyong dalawa eh." Sambit niya, sabay pasok sa pasenger seat ng kotse. Pinasakay naman ako ni Apollo sa tabi niya. "Ano ka ba best, masyado kang maganda para maging driver ko ano." Sagot niya sa best friend niya. Bahagya naman akong napayuko. Feeling ko kasi wala na naman ako sa eksena kung mag-usap sila ng ganun ni Tallie. Naiintindihan kong mag-best friend sila. Pero iba pa rin talaga ang dating sa akin. Para na tuloy akong napaparanoid dahil sa mga iniisip ko. "Hey love, are you okay?" Pansin niya sa akin. Habang nilalakbay na namin ang daan patungo sa bahay nila. "I told you, wag kang kakabahan dahil for sure magugustuhan ka nila." Wika ni Apollo. "Yes Zana, Sigurado yan dahil ikaw lang ang babaeng dinala ni Apollo sa bahay nila bukod sa akin." Sabat naman ni Tallie sa likuran. Hindi ko talaga ma feel yung concern niya as a best friend sobrang naiilang talaga ako sa sweetness nilang dalawa. Ngumiti lang ako bilang pagtugon. Wala pang thirty minutes nang pumasok kami sa subdivision. Natatanaw ng mga mata ko ang malalaking bahay na nadadaanan namin. Hindi ako nagtatakang mayaman din si Apollo at sigurado akong maganda din ang bahay nila. At hindi nga ako nagkamali nang tumigil ang kotse ni Apollo sa isang malaking bahay. May tatlong palapag ito. Bumusina siya at bumukas ang malaking gate. Lumabas ang dalawang gwardiya. "Good evening Sir! Ma’am!" Bati nila sa amin. Tumango naman si Apollo. Ipinasok na niya ang kotse sa loob. Napansin ko na limang sasakyan pa ang nakaparada sa garahe. Masyado itong malaki. Pagbaba niya ay nauna niyang pagbuksan si Tallie ng pinto. Bago siya umikot papunta sakin. "Apollo, nahihiya ako." "Ano ka ba family ko lang ang nandito, dumating kasi mula sa states ang dalawang sisters ko kaya maraming kotse na nakaparada." Kumbinsi niya sa akin. "Ano tara na! Kanina pa ako china-chat ni TiTa" Sabat ni Tallie. Bumuntong hininga nalang ako dahil wala na akong magawa kundi sumunod sa kanya. Bahala na nga! Nasa pintuan palang kami nang may sumalubong na agad sa amin. "Kuya!" Sigaw ng isang magandang babae na sa tingin ko ay mas bata sa amin ni Apollo. May hawig din niya ito. "Zana, she is Bea my little sister." Pakilala niya sa akin. "Hi nice to meet you Zana. Nakilala ko na din sa wakas ang nagpatibok sa puso ng kuya ko." Nakangiting wika niya. Nahiya ako sa kanya pero nakaramdam ako ng gaan ng pakiramdam sa kapatid niya. "Hi Bea nice meeting you din." Inilahad ko ang kamay ko. Pero nakipag beso-beso siya sa kin. Kaya mas nailang ako. "Tallie? Is that you?" Tumingin siya kay Tallie at niyakap ito. "Kamusta na Beatot!" Nakangising Wika ni Tallie. "Wow, Ibang iba na ang itsura mo ngayon ah? Super ganda mo na." Puri ni Bea. "Maliit na bagay!" Nagtawanan silang tatlo nanatili lang akong nakangiti. "Let’s go inside, my mom is super excited to meet you." Saad niya. Kaya pumasok na kami sa loob ng malaking bahay. Nakaramdam na naman ako ng kaba. Dahil feeling ko hindi ako nababagay sa lugar na ito. "Hey, Easy ka lang nanlalamig ang kamay mo" Pabulong na wika ni Apollo. Nasa unahan namin si Tallie at si Bea na abala sa pagku-kwentuhan. Mukhang close talaga silang dalawa. "Halos tatlong taon din kasi silang nagkita kaya namimiss na siguro nila ang isa’t-isa." Nakangiting wika ni Apollo na ang tinutukoy ay si Bea at si Tallie. "Ah ganun ba," Sagot ko. Nang makarating na kami sa malaking sala na triple ata ang laki sa kabuuhan ng apartment ko. Ay pinaupo niya kami. "Wait lang tatawagin ko na sila para makakain na din tayo." Paalam ng kapatid niya sa amin. Maya-maya pa ay may nakita na naman akong magandang babae na papalapit sa amin. "Zana siya naman ang ate ko. Si Monica." Tumayo ako para ilahad ang kamay ko sa kanya. "Hi, Nice meeting you" Wika ko. "Hello" Matipid na sagot niya at bahagya lang ngumiti. Kumpara sa jolly na si Bea kabaliktaran naman ang nakikita kong expression sa mukha ni Ate Monica. "Hi Ate Monica!" Tawag ni Tallie. Lumingon naman si Ate Monica sa kanya. At inirapan na niya ito. "Ate!" Saway ni Apollo. Hindi ko alam kung bakit ganun ang reaksyon ng ate niya kay Tallie. Hindi kaya ayaw din ni Ate monica sa kanya? Palayo na sana si Ate Monica nang habulin siya ni Tallie ay yakapin mula sa likuran. "I'm sorry na kasi, wala na akong magagawa Ate." Narining kong wika ni Tallie. Naguluhan ako. Kanina inirapan niya si Tallie tapos ngayun parang magkapatid na may tampuhan ang kinikilos nilang dalawa. "Hay naku, wag na nga kayong magdramahan sa harapan namin, Kung ano man problema niyo ayusin niyong dalawa." Saway ni Apollo. Sinamaan naman siya ng tingin ni Ate Monica. Tapos nawala na sila sa harapan naming dalawa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD