Chapter 46: SABRINA Nagmamadali akong lumabas ng hospital. Ang sabi ni Mandy ay nang pumasok siya ng kuwarto ay kakaalis lang ng nagdala ng bulaklak. Kaya naman kaagad akong sumunod at umasang maaabutan ko pa ito. Sigurado akong kay Damon galing ang mga iyon dahil iyon ang nakapangalan sa card. Siguro dahil galit siya sa akin kaya nang makita niya ako ay hindi siya tumuloy, o 'di kaya ay iniiwasan niya ako, dahil baka nahihiya siya dahil sa pagiging heartless niya at nagawa niyang pahirapan ang pamilya ko na para bang wala manlang kaming pinagsamahan. Ano man ang rason niya, gusto man niya o ayaw akong makita ay wala na akong pakialam. Kailangan namin mag-usap at hindi niya ako puwedeng iwasan na lang habambuhay. He made something terrible to my family and he can't just act like there's

