Chapter 3:
SABRINA
HALOS mapangiwi ako nang nag-aalala kaming sinalubong ni Grandmama pagkarating namin ni Nichola sa mansion. Kulang na lang ay paikutin niya ako masiguro lang na wala akong kahit na anong galos.
Hindi ko inaakala na alam na pala ni Grandmama ang nangyari bago pa kami makauwi ni Nichola, iyon pala ay rito dumiretso ang inutusan kanina ni Damon del Valle para kunin ang nakawalang kabayo, at para alamin na rin kung saan nanggaling ang putok.
"Pasensya na po talaga Signorita Sabrina, Signorita Nichola, hindi po talaga namin alam na malapit po kayo sa amin at nakasakay sa kabayo, kaya sinindihan namin ang fireworks na gagamitin para sa gabi ng kaarawan ni Madame Charlotte para i-testinng."
Umiling si Nichola habang nakahalukipkip. "Naku, Kuya kasalanan ko rin po. Ako ang nagsabi sa inyo na i-try ang fireworks, dapat alam ko na hindi dapat kami sumakay sa kabayo. Buti na lang at kilala ako ni Kol, kaya hindi siya nagwala," pagtukoy niya sa kabayong sinakyan niya kanina, saka bumaling sa akin. "Unfortunately, she fell."
Umiling kaagad ako nang makita ko ang guilt sa mukha ng lalaki. Nginitian ko pa si Grandmama na isa pang mababasahan ng pag-aalala.
"It’s okay po, Kuya. Hindi naman po ako nasaktan, natakot lang."
"Which is why I have to extend my gratitude to your boss, Emman. Kindly tell Damon to have a dinner with us tonight, please," ani Grandmama sa inutusan ni Damon kanina na Emman pala ang pangalan.
Tumikhim si Emman at humakbang palapit. "I'm afraid that he can't accept your invitation because he has an international meeting tonight, but no worries Madame, sasabihin ko po."
"Yes, please. Thank you."
Hindi nagtagal ay nagpaalam na si Emman. Tumuloy na rin ang nagsindi kanina ng fireworks. Hinarap ako ni Grandmama at tiningnan uli ako nang mabuti.
"I think you have to change, Hija."
Napatingin din ako sa sarili ko. Kahit na pumailalim sa akin kanina si Damon ay hindi pa rin ako nakawala sa putik kaya naman nadumihan pa rin ang blouse at pants ko.
"I think so, Grandmama," natatawa kong sinabi.
Hinakbayan ako ni Nichola. "Dahil sa kasalanan ko rin pala ang nangyari, I think I owe you a really good and very relaxing hot bath."
Tinaasan ko siya ng kilay. "As much as I don't wanna blame you, I can't decline your offer. That's sounds very appealing."
Nagpaalam na muna kami ni Nichola kay Grandmama na aakyat na muna kami para sa master bathroom.
Paakyat na kami sa hagdan nang tawagin ako ni Grandmama sa pangalan ko, kaya naman kaagad ko siyang nilingon.
"After you take a bath, let me hear your opinion about your first meet up with Damon del Valle, Hija."
Tumango ako kahit nagtataka pa. "Sure, Grandmama."
Pagkaakyat namin sa second floor ay may inutusan kaagad si Nichola na maid, pinahahanda ang hot tub. Good, that's lovely! Nakaka-miss ang magbabad sa hot tub.
"You have hot tub here?"
"Of course! The best way to get an attention of a guy is a good smell and fresh skin."
Napailing ako. "Seryoso ka talaga diyan?"
"Yes, like what I told you, just don't hold back."
"Please, if you're planning to tell me again about Damon, don't try. Even Grandmama seems thrilled to know that I've encountered him, why?"
Humalukipkip siya. "Maybe because everyone's likes him, ikaw lang naman ang ayaw magpaapekto sa alindog niya."
Inirapan ko na lang siya. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya, pero ang totoo ay hanggang ngayon ayaw mawala sa utak ko ng imahe ni Damon. His eyes were so dark, I don't know why but staring at them while being so closed, it was something different.
Ipinilig ko ang ulo ko. Mali yatang pinakikinggan ko pa itong si Nichola, pati ako ay nadadamay sa pagpapantasya niya kay Damon.
Nang marating namin ang master bathroom ay nandoon na lahat ng kakailanganin ko. Hindi nagtagal ay iniwan din ako ni Nichola at ng iba pang maid.
Na-enjoy ko ang hot tub na iyon, pero siyempre hindi ako puwedeng magtagal at baka masunog pa ang balat ko. Saktong nagbibihis ako ng damit na pinahatid sa akin ni Nichola, nang nag-ring ang cellphone ko. Dinungaw ko iyon at napangiti kaagad nang makita kong si Fabian iyon.
Fabian is my best friend. Nakilala ko siya dahil mag-best friend ang ama namin pareho. He was good to me, and I'm glad whenever he's with me every time that I needed him. At sa katunayan, siya rin ang dahilan kung bakit ayaw umepekto sa akin ng kung anong meron kay Damon, at lahat ng babae ay nagkakagusto sa kaniya. Matagal na akong may gusto kay Fabian. I don't know when it's started, all I know is one day, I found myself smiling at him, happy because he was right there beside me.
Unfortunately, hindi ako kasing tapang ni Nichola. Dahil sa tradisyon ng pamilya namin ay kahit kailan hindi ko hinayaan ang sarili kong pumasok sa isang relasyon, kaya naman itinago ko ang nararamdaman ko para kay Fabian.
Pero ngayon ay hindi ko mapigilang mapatanong. Puwede pa kaya?
"Hello, Sab," bati niya pagsagot ko ng tawag.
"Hey!" buntong-hininga ko dahil sa kabang nadarama ko narinig ko pa lang ang boses niya.
"How's your staying there at Royale Palace?"
"Good, pero sana nandito ka na, para ma-enjoy natin ang place na 'to bago ang party." Kinagat ko ang labi ko, sana hindi niya matunugan kung gaano ko siya ka-miss.
Narinig ko ang pagtawa niya kaya napapikit na akong mariin. Natunugan niya nga.
"I'm missing you, too Sab, but unfortunatel, gusto ni Mom na sabay kaming pumunta diyan, the night of the party. So, I guess we'll see each other there the night of the party."
Tumango ako. "I guess so."
"Kuwentuhan mo na lang ako ng nangyari diyan. Kanina ka lang nakarating diyan, right?"
"Yes! Pero alam mo, parang ang dami nang nangyari," sabi ko at sinimulan nang ikuwento ang nangyari kanina sa magiging venue ng party, pati ang pagiging thrilled ni Grandmama dahil doon. Sa wakas ay napalis na ang lungkot na nadarama ko kanina sa pagka-miss sa kaniya. Kahit kasi nang nasa QC pa ako ay hindi pa rin kami nakakapagkita dahil sa pagiging abala ko. Two weeks na.
"Maybe Madame Charlotte likes him, and he's one of the candidates of your soon to be husband."
Nanikip ang dibdib ko nang mabosesan ko ang bitterness sa tono niya. Sa katunayan ay minsan pakiramdam ko ay pareho kami ng nararamdaman ni Fabian, na may isa lang mataas na pader ang pumipigil sa amin.
Pero paano kung ibaba namin ang pader na iyon? May mababago ba?
"Maybe I should hang up," bigla niyang sinabi. Nakaramdam ako ng panic sa loob ko.
"Fabian, wait, listen please."
"About what?"
Huminga akong malalim. "Hindi ko alam kung kailan ako ipapakasal nina Mommy sa ibang lalaki, pero matagal pa 'yon, for sure."
Katahimikan lang ang isinagot niya sa akin. Pumikit ako nang marahan. I need the strength to tell him the truth.
"Mag-usap tayo pagkarating mo rito, there's something I need to tell you."