Chapter 1

1434 Words
Chapter one: SABRINA NILANGHAP ko ang sariwang hangin sa balcony, kung saan kitang-kita ang lawak ng hardin at ang malaking fountain sa gitna nito. Napangiti ako nang makita ko ang makukulay na ibong dumadapo sa gilid ng fountain para makiinom ng tubig. Sa maaliwalas sa matang kulay ng hardin na pinupuno ng permuda grass ay lalong tumitingkad ang mga ibon sa paningin ko. Bumabagay sila sa mga pulang rosas na namumukadkad sa gilid. Sa rami ng trabaho at populasyon sa Metro Manila, sobrang nakaka-miss ang tahimik na Royale Palace rito sa Tagaytay. Naaalala ko pa, noong bata ako ay rito ako lagi naglalaro kasama ang mga pinsan ko. Kung hindi lang nagpasya sila Mama na bumukod na kay Grandmama Charlotte ay baka rito na ako lumaki. Pero ganoon pa man ay hindi pa rin nawala ang pagmamahal ko sa Rolaye Palace, isang malaki at malawak na hacienda para sa mata ng karamihan, ngunit para sa akin ay isang tahanan. Pakiramdam ko tuwing nandito ako ay isa akong isang malayang prinsesa, Prinsesa Sabrina Royale. "Signorita, hinahanap na po kayo ni Madame Charlotte." Lumawak ang pagkakangiti ko. Kararating ko lang sa hacienda at dito ako dumiretso habang tinatawag ng maid si Grandmama. Sumama ako sa maid at dinala niya ako sa living room kung saan nakaupo si Grandmama. Her hair is white and curl. She seems aged but her smile is so sweet that making her looks young. Kahit sinong makakakita sa kaniya ay mahuhulaan kaagad kung gaano siya kaganda noong kabataan niya, at hindi pa ito humuhupa hanggang ngayon. "Grandmama!" halos manliit ang boses ko nang excited na tinawag ko siya habang papalapit sa kaniya. "Oh, my Sweetheart. I missed you," marahan niyang sabi habang yakap ko siya. Nang kumalas ako sa pagkakayakap ay umupo ako sa tabi niya habang hawak ang kamay niya. "I missed you too. I'm really sorry that I haven't visited you here for the couple of months, I just have a lot of projects lately." Totoo ang sinabi ko. Unti-unti nang mas lumalawak ang negosyong itinayo ko last 2 years, ang Reyna Royale Jewelries. Bata pa lang ay nakahiligan ko na ang pagsusuot ng mga alahas, hanggang sa na-realised ko na kaya ko pa lang mag-design ng mga ito. Kaya naman nang makapagtapos ako sa kurso kong related sa business management ay itinayo ko ang negosyong pangarap ko. Isang jewelry brand na hindi lang sa Pilipinas makikilala, kundi pati sa ibang bansa. These past few months ay nagkaroon ako ng major deal sa isang kilala nang brand sa France, at iyon ang ipinagkaabalahan ko kaya naman hindi ako nakadalaw kay Grandmama ng ilang buwan. "Buti na lang pala birthday ko, kung hindi ay baka hindi mo pa ako dalawin." Kunwaring sumimangot ako nang matunugan ko ang pagtatampo niya. Hinakbayan ko siya at ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya bilang paglalambing. Just 3 nights to go before her birthday, kaya naman nandito ako. Hindi ako puwedeng mawala sa 80th birthday ng pinakamamahal kong Lola. "Lola, kahit naman gaano ako ka-busy, hindi ko po talaga ito palalagpasin. Kaya nga po nandito kaagad ako, para magkasama tayo bago ang birthday mo." "You know what, Sweetheart, I was willing to forgive you for not visiting me, until you called me 'Lola." Natawa ako. Actually, sadya kong tawagin siyang Lola. Ayaw niya talagang nagpapatawag niyon dahil feeling daw niya ay nakakatanda. Kung puwede nga lang na Mommy ang itawag namin sa kaniya ay iyon na ang itinuro niya sa aming mga apo niya. Iyon nga lang ay baka raw magselos ang mga ina namin kaya naman nagpatawag na lang siya ng Grandmama. "Wait, is your brother and sister will come?" Inayos ko ang buhok ko at bahagyang ngumiwi. Bago ako pumunta rito ay nagkausap na kami ni Kuya Alessandro, na ihingi ko siya ng dispensa kay Grandmama dahil tingin daw niya ay hindi siya makakauwi sa Pilipinas. Si Kuya Alessandro ang umaasikaso ng mga business at investment namin sa London. Taga roon naman kasi talaga ang Royale, ang kaso ay nang magpakasal si Grandpapa kay Grandmama na nakilala niya rito sa Pilipinas ay nagpasya silang dito na manirahan. "Hindi po sigurado si Kuya Ale kung makakauwi siya dahil may meeting pa po siya sa isang araw," alanganin kong sinabi. Nang makita ko ang pagbawi ng ngiti ni Grandmama ay masuyo akong ngumiti. "But don't worry, Samantha will be here tomorrow. May tinatapos lang po siya kaya hindi siya sumabay sa akin." Nagpilit din ng ngiti si Grandmama. "Buti naman, malulungkot ako kung pati si Samantha ay hindi dadalo." Pinigilan ko ang mapangiwi nang mabosesan ko ang panghihinayang at lungkot sa kaniya. Nag-isip ako ng topic para iligaw ang usapan, nang sa ganoon ay mawala ang lungkot niya. Isang boses ang umalingawngaw at umagaw sa pansin namin. Si Nichola, ang pinsan ko. "Sabrina!" Nakangiting tumayo ako at sinalubong ang yakap niya sa akin. Hinaplos niya ang kulot kong buhok at pinagmasdan ako. "Kumusta, my dear cousin." "Well, I'm so glad na nakarating ako rito. Pakiramdam ko ay nasa bakasyon ako." Ngumisi siya. "Not too long, dahil sasamahan mo ako sa preparation ng party, so no vacation for now." Hindi sana ako sasama dahil gusto kong makipagkuwentuhan muna kay Grandmama, pero kinulit ako ni Grandmama na sumama para makita ko raw ang venue. Ipinagmamalaki niya iyon dahil maganda raw kaya gusto niyang makita ko, kaya naman bandang huli ay sumama na ako. Nakarating kami roon sakay ng tig-isang kabayo. Good thing ay naka-pants ako at boots, kapares ng blouse ko, kaya komportale ako. Na-missed ko rin ang mag-horseback riding. Sa lahat sa aming magpipinsan ay si Nichola lang ang kasama ni Grandmama sa mansion. Maaga kasing nawala ang mommy niya, habang hindi niya naman kilala kung sino ang daddy niya. Si Grandmama na ang nagpalaki sa kaniya, kaya naman siya rin ang nago-organise ng party. "It's beautiful," bulalas ko habang nakatingin sa kabuuan ng malaking mansion na kung titingnan ay nalalapit sa disenyo ng mga bahay sa England. Para itong malaking palasyo. Humalukipkip si Nichola. "Gusto ko kasi sanang maalala ni Grandmama ang tahanan ni Grandpapa sa lugar na ito, kaya naman masusi kong pinag-isipan kung anong disenyo ang ilalagay ko." Napangiti ako. Para nga akong nasa London ngayon. Ang parte ng hacienda na ito ay dati lang isang malawak na lupain. Naaalala kong dito naglalaro ng football ang mga pinsan ko. Noong isang taon ay nagpasya si Grandmama na ipangalan na ang bahaging ito kay Nichola upang pagpagawaan niya ng magiging sariling bahay. Huling punta ko rito ay hindi pa ito tapos. Hindi ko akalain na ganito kaganda ang magiging kalalabasan nito. At hindi ko akalain na roon pala inspired ang design nito. "Nakita niya na ba ito." "Hindi pa, I want to surprise her on her birthday. Hindi naman kasi nagpupunta sa lugar na 'to si Grandmama. Ang ipinakikita ko lang sa kaniya sa picture ay ang loob, hindi ang kabuuan sa labas." "I'm sure that Grandmama's gonna love it." Ipinagpatuloy namin ang pag-usad gamit ang kabayo. Tahimik kaming nagkukuwentuhan nang bigla na lang may marinig kaming isang putok. Bago pa ako makapag-react ay bigla na lang nagwala ang kabayong sinasakyan ko at matulin na tumakbo. "Sab!" narinig ko ang nagpa-panic na sigaw ni Nichola ngunit hindi ko siya magawang pagtuunan ng pansin. Napahigpit lang ang kapit ko. Ang tagal ko nang hindi nakakasakay sa kabayo kaya hindi na ako sanay, idagdag pa na ang pagtakbo nito ay may kasamang pagpa-panic. Pakiramdam ko ay tatalsik ako. Sa malayo ay natanaw ko ang isang grupo ng mga lalaki na nakatingin sa direksyon ko. Pakiramdam ko ay alam nilang out of control ang kabayo. "Let go!" sigaw ng isang boses lalaki na hindi ko alam kung saan nanggaling. Napapikit ako dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Napamulat na lang ako nang narinig ko ang mas malapit nang boses sa akin. Malapit na ako sa grupo ng mga lalaki. "Come on, I'll catch you! Let go!" sabi ng isang lalaki. Ayaw nang tumakbo ng utak ko, kaya naman nang nasa tapat na nila kami ay bigla na lang akong tumalon pababa. Tumama ang katawan ko sa isang malapad at may katigasang bagay. Nanginginig pa ang buo kong katawan sa nerbyos. "Hey, are you okay?" Halos tumigil ang paghinga ko nang marinig ko ang boses mula sa harap ko. Doon ko lang na-realised na kaya hindi ako nasaktan ay dahil sa lalaking sumalo sa akin. Nang imulat ko ang mga mata ko ay tumama kaagad iyon sa dalawang pares ng mga mata. A pair of deep brown eyes that I haven't seen before.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD