Chapter 44: SABRINA "KAHIT ako kung ganiyan kaganda ang views ko araw-araw, hindi na ako aalis," sabi ni Crystal habang nakaharap sa screen ng laptop niya pero ang atensyon ay nasa mirror niya habang nag-aayos siya. Sumusulyap-sulyap lang siya sa screen. Nasa apartment ko ako ngayon at ka-videocall si Crystal at ipinakikita ang views ng apartment ko sa may malaking bintana. Mataas ang floor ko kaya naman tanaw na tanaw ko ang magandang views ng city mula sa kinaroroonan ko. Umaga man o gabi, napakasarap nila sa mga mata. "Pero may point si Alexander, e, ibig sabihin ay wala ka nang balak bumalik dito? You are now planning to get a stable job or business there." Naikuwento ko sa kaniya ang naging reaksyon kanina ni Xander tungkol sa plano ko, and she's right. That's sounds like a plan

