Chapter 48: SABRINA TANGKANG hahawakan ako ni Damon pero pumitlag ako. "Hindi ko ibibigy sa 'yo ang gusto mo, Damon. Hindi ko kaya." Pinigilan ko ang paghikbi ko habang direktang nakatingin sa kaniya. Ang kanina niyang nangungusap na mga mata ay parang tinangay na ng hangin at ngayon ay blanko na naman ang mukha niya, ang mga mata. "Don't expect me to help you, then," sabi lang niya at tinalikuran na ako. Sinundan ko lang siya ng tingin habang maririin na pinupunasan ang mga luha ko. Gusto ko siyang pigilan, yakapin, pero hindi ko magawa. Pinangungunahan ako ng sakit sa puso ko. Ganito na lang ba kababa ang tingin niya sa akin, na sa tingin niya ay kaya niyang bilhin ang katawan ko gamit lang ang isang pangako. Akala ko masakit na nagawa niyang pahirapan ang pamilya ko sa kabila ng p

