“OPEN your mouth, Shielo,” utos ni Ninong Jax. Napakurap ang dalaga habang tinitingnan niya ang kanyang ninong na may hawak na kutsara. “P-Puwede namang ang nurse na lang ang magsubo sa akin.” “Puwede din namang ako.” Nag-iwas siya ng tingin. “Ang sabi ng nurse hindi ka raw umalis dito habang tulog ako noong mga nakaraang araw. Alam kong busy ka, ninong, kaya ibigay mo na lang sa nurse iyang pagkain. Ayaw kong makaabala pa sa ‘yo.” Bumuntong-hininga ang binata. “Hindi ka nakakaabala sa akin, Shielo. Kaya sige, na. Kainin mo na ito.” Hindi nakakaabala? Tama ba ang narinig niya? Samantalang dati, kung ituring siya nito ay parang pabigat lamang siya sa buhay nito. O baka naman bigla itong nakonsensya? Mas lalo tuloy siyang umiwas sa kutsarang pilit nitong idinidikit sa bibig niy
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


