SABADO. Gustong lumabas ni Shielo upang tingnan ang mga bahay na nakita niya online na pinapaupahan malapit lamang sa university na pinapasukan niya. Maaga pa ngunit napakatahimik ng bahay maliban na lamang sa mga maiingay na kapit-bahay sa labas. Wala na si Yassi paggising niya. Ang dalawa naman nitong kapatid na babae na pawang nasa elementary ay tulog na tulog pa. Nang lumabas siya ng kuwarto upang maligo, wala rin ang nanay at tatay ni Yassi roon. Marahil ay nasa tindahan na ng mga ito ng mga RTW na damit. Ang tanging naroroon ay ang kapatid nitong lalaki na ngayon ay nanonood ng TV. Everytime na nakikita ito ni Shielo ay palagi itong nasa harap ng telebisyon. Hindi niya nga alam kung may trabaho ba ito o tambay lamang sa bahay. Pumasok na siya sa banyo at isasara na sana ang p

