BINABA ni Ninong Jax ang hawak nitong libro at salubong ang mga matang sinundan ng tingin si Shielo na galing sa kuwarto nito papunta sa pintuan ng penthouse. Nakasuot lamang ito ng supper short maong skirt at tank top na kita ang pusod at mukhang pinanligo na yata ang perfume. “Where are you going?” tanong niya. “Aalis po,” sagot nito na hindi man lang tumigitingin sa kanya. “Alam kong aalis ka. What I’m asking is saan ka pupunta?” “Sa labas.” “Shielo!” Napatayo na siya at sinundan ito. “Kinakausap kita ng maayos!” Bumuntong hininga ito at saka humarap sa kanya. “Pati ba pag-alis ay pinagbabawal mo na rin sa akin? Hindi ba’t ayaw mo akong paliging kasama rito? Ayaw mong kinukulit kita? Heto na nga po’t aalis muna ako para magkaroon ka ng panandaliang katahimikan at hindi ka mai

