Another wave of nausea and vomit welcomed me that morning. Wala pa naman si Ethan ngayon dahil maaga itong umalis para sa shareholders meeting ng kompanya nila. Kailangan ko pang pilitin ang sarili ko na pumasok sa trabaho kaya lang walang kasama si Joaquin. Wala siyang pasok sa play school kaya kailangan ko siyang isama. Napasandal ako sa dingding ng banyo matapos kong ilabas ang laman ata ng sikmura ko. I just can't take it. Marahan akong tumayo at pinilit na maglinis ng katawan. I have to prepare our breakfast pa pero wala sa kusina ang gusto kong kainin. I want something else. Gusto kong nandito si Ethan ngayon para mautusan ko siyang bumili ng Durian para sa akin. Durian tapos gatas, perfect combination ata iyon ngayong umaga. The thought of those food hunt me for the whole day. K

