The thought of surviving this day didn't cross my mind at all. Gusto ko lang matapos ang dinner at makauwi sila pero higit pa pala doon ang nangyari ngayong araw. Kung saan ko kinuha ang lakas para kalabanin si AJ at Donya Elena, hindi ko rin alam. Matapos lang kumain ng hapunan ay pinakiusapan ko si Ethan na samahan muna si Joaquin at gusto ko lang mapag-isa at mag-isip. Kung bakit naman kasi napakalaki ng galit ng nanay niya sa akin. Hindi ba maintindihan ng nanay niya na nagmamahalan kaming dalawa? Lights are off habang nasa kamay ko ang isang can ng alak na nakita ko sa ref niya. Gusto kong mag-isip at planuhin ang susunod kong hakbang para kahit papaano lumambot ang loob ng nanay niya sa akin. I sigh harshly as I leaned back at the soft cushion of the sofa, watching the city light

