Chapter 2

3519 Words
"Wow." Iyan ang unang lumabas sa bibig ko nang makalabas kami sa nakakahilong portal at makita ko ang napakagandang malawak na hardin na nakapalibot kung saan kami nakalabas, sa isang malaking puno rin. Napaka lawak nito wala akong makitang mga bahay, ang nakikita ko lamang ay napakagandang hardin na mah maraming nag-gagandahang bulaklak at mga Fairy na kagaya ni Reign ngunit mga kulay puti sila, napakadami nila! dinidiligan nila ang mga bulaklak. Napaka gandang tignan. "Nandito tayo sa Hacienda ng Immortal World, Mahal na Prinsesa." Napalingon ako kay Fairy Reign ng may masayang ngiti nang sinabi niya 'yon. Nandito na kami, pero bakit wala akong makitang mga tao na kagaya ko? "Mahal na Prinsesa, malayo pa tayo sa kung saan tayo tutungo." Sabi niya. "Doon ang punta natin, sa lugar kung saan ka mag -aaral." Tuloy niya at tinuro ang isang malayo na mukhang palasyo pero hindi ko gaano makita dahil natatakpan ng ulap. Malayo nga. "Tara na, Mahal na Prinsesa. Kailangan na nating umalis, bago pa magdilim ang langit at mapa-" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil agad-agad siyang nag-tago sa bulsa ng blouse na suot ko. Ah? Bakit? "Hindi nila ako maari na makita, Mahal na Prinsesa. Ipapaliwanag ko sa'yo mamaya." Sabi niya. Lumapit nga ang tatlong Cute na Kulay puting Fairy saakin. Ngumiti ako at ganoon din sila. "Maganda Umaga, Binibini!!!" Bati nilang tatlo. Ang Cute! Puti ang balat nila, mahaba ang tenga pati ang dress na suot nila, puti rin ang mata, at ang maganda nilang pakpak na kulay puti din. "Binibini, Anong ginagawa mo dito sa Hacienda?" Tanong ng nasa gitna. "Galing ka ba sa Mortal World?" Tanong naman ng isang nasa gilid. "Sinong kasama mo?" Tanong naman ng isa. Ang cute ng boses nila! Teka, andami niyo namang tanong, isa-isa lang! Hindi sila nakakabasa ng isip! kagaya ni Fairy Reign dahil nanatili silang lumilipad lipad habang nakatingin saakin ng may ngiti. Hindi ko alam ang sasagot ko, kaya nagsabi nalang ako ng totoo. Huminga muna ako ng malalim, "Ahh.. Oo galing ako sa, Mortal World. Narito ako para mag-aral doon" Turo ko pa sa malayong mukhang palasyo na natatakpan ng ulap. "Kailangan ko ng umalis, at baka abutin pa ako ng gabi!" Sabi ko na agad, dahil naramdaman ko ang sipa ni Fairy Reign sa dibdib ko gamit ang kaniyang maliliit na paa. "Mag-iingat ka! Binibini. Paalam!" Sabi nila at umalis na. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi na humaba ang usapan. Tinignan ko si Fairy Reign sa bulsa ng blouse ko, sumisilip siya kung may Fairy pa rin ba, nang mapag tanto niyang wala lumabas na siya at umupo sa balikat ko. Tinuro niya ang daan na lalakarin, sinunod ko naman siya. Paniguradong sasakit ang Paa ko sa layo ng lalakarin namin. "Wag ka mag-alala, Mahal na Prinsesa. Pag nakapunta na tayo doon sa may tulay. Hindi muna kailangan pang lakarin." Sabi niya, at tumango nalamang ako. Mediyo malayo parin, pero hindi na ako nag-reklamo. "Sasabihin ko rin, sayo ang mga dapat mong malaman." sabi niya, kaya nakinig na ako. Ipinaliwanag niya ang kanina na kaya daw siya nag tago dahil hindi siya pwede makita dahil malalaman na isa akong Prinsesa, Ang mga Princess at Prince daw ay may mga Fairy pero kakaiba kagaya niya, may kulay ang mga Fairy ng mga ito, hindi lang din daw sila basta fairy dahil sila ay ang mga Kanang kamay ng mga Prinsesa at Prinsipe, kasama sa lahat ng bagay at laging minamanmanan. Sinabi niya rin na simula bata palang ako nang mapulot ako ni Nanay at Tatay ay nakamanman na siya saakin pero hindi siya nag pakita dahil sinabi sakaniya ng Diyosa na magpapakita lamang saakin pag nag 17 years old na ako. Kaya pala, palagi kong nararamdaman na may parang nakatingin at nakasunod saakin. Kaya rin daw na malayo ang Hacienda sa mga bahay o sa mga baranggay ay dahil nasa bahaging gitna ito ng Immortal World, nakagitna ito sa Liwanag at Dilim. Nagulat ako na may Kadiliman pala dito, sinabi naman niya agad na ang mga kadiliman ay kalaban, hindi siya gaano nag kwento doon, ang sabi niya ay mapapag-aralan naman daw namin iyon sa History Class at mababasa ko 'yon sa Mahalagang Libro na ang tanging nakakahawak ay ang may malalakas na kapangyarihan. Marami pa siyang sinabi at pinakinggan ko nalang. Hapon na nang may makita akong Tulay, "Nandito na tayo, Mahal na Prinsesa." Sabi niya, at lumipad patungo doon para tignan, sumilip ako at gano'n nalang ang gulat ko na sobrang lalim ng nasa ibaba ng tulay. "Kinakailangan nating tumalon." Sabi niya na ikinatakot ko! "Wag kang matakot, akala mo lang ay malalim yan pero katalon natin ay nasa ibang lugar na tayo" Sabi niya, na nag pabawas ng kaba ko. Pumasok siya sa bulsa ng blouse ko at kumapit. "Pagkarating natin doon, Mahal na Prinsesa. Dederetso ka sa isang opisina para mag-enrol, sasabihin mo na galing ka sa isang bayan at palaboy-laboy na nakapulot ng Papel na ito." Sabi niya at may ibinigay na papel saakin. "Ang papel na iyan ay kinakailangan para makapasok ka sa Skwelahan na 'yon, dahil hindi basta basta ang mga nakakapasok doon. Sabihin mo rin na may experience ka ng laban." Sabi niya marami pa siyang binilin at wag ko daw kalimutan sumang ayon nalang ako.At pinabukas ang bag na suot ko mula kanina, doon daw siya mag tatago dahil hindi siya pwedeng makita, at lalabas nalang siya pag nasa dorm ko na daw ako. Tinignan ko pa ang ilalim ng tulay, at saka dahan dahan sumampa sa bakod ng tulay, pumikit ako, At tumalon na. Napasigaw ako dahil sa nararamdaman ko ang pagkahulog ko! Pero nang maramdaman kong nasa lupa na ang mga paa ko, dahan dahan akong dumilat. At ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang napakalaking Gate, napakaganta at isa pa itong ginto. Binasa ko ang nakasulat sa itaas ng gate na kahit na sumakit ang leeg ko kakatingala. "ZASHAPIR ACADEMY" Wow, ang ganda ng Pangalan. Malapit sa pangalan ko. Oo nga pala sinabi saakin ni Fairy Reign na, kinakailangan ko mag iba ng pangalan, dahil ang pangalan ko sa mortal world ay tunay kong pangalan na ibinigay saakin ng tunay kong magulang, sinabi rin saakin ni Tatay at Nanay na may nakasulat daw sa loob basket 'yon ay ang pangalan ko. Kaya kailangan ko mag iba ng pangalan para walang makakilala saakin, dahil lahat ng nandito sa Immortal World ay alam ang pangalan ko na Ayasha Zia ang pangalan ng nawawalang Prinsesa. Sumang ayon nalang ako. Ano naman ang ipapalit kong pangalan? "Shaya Azi Gil" tama! Malapit sa pangalan ko, binaligtad baligtad ko lang para hindi mahalata, hindi kona pinalitan ang apelyido ko dahil wala naman nakakakilala saakin sa Mortal World. Kanina pa pala ako nakatayo dito, kaya nang may mapansin akong babaeng kantandaan na papasok sa loob ay tinawag ko agad at sinabing ako ay mag eenroll. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa, kaya dali dali akong yumuko dahil baka pagtawanan niya rin ako kagaya ng ginagawa saakin sa mortal world. Ngumiti naman siya. Mabait siya at maganda pa, hiningi niya ang palad ko kaya binigay ko ito, sinabi niyang mag-usap kami sa opisina niya. Nagulat ako nang makita ko nalang ang sarili na nasa harapan ng pinto na sa tingin ko Office ang loob. Tinignan niya ako at ngumiti siya "Halika, Pasok na tayo." Anyaya niya kaya sinundan ko naman siya, pagkapasok namin namangha agad ako sa Office niya ang laki, kulay puti at ginto ang pader. "Mabuti at nakaabot ka bago mag-dilim." Sabi niya habang umuupo, ano ba meron kaya dapat hindi abutan ng dilim. Ah! alam kona, sabi saakin ni Fairy Reign na hindi pwedeng nasa labas ang mga panig ng liwanag sa dilim dahil malalakas ang mga panig ng dilim kapag gabi kasi madilim. Nginitian ko naman siya, nakita ko ang pangalan niya sa lamesa niya. "Ako si Lany Diverson, Headmaster dito sa Zashapir Academy. Tawagin mo nalang akong Headmaster dahil 'yon ang tawag nila saakin" Sabi niya. At Pinaupo ako. "Magandang Araw po, nais kopo sana mag-enroll" Sabi ko at ipinakita sakaniya ang papel na ibinigay ni Fairy Reign saakin. Kinakabahan ako. Ngumiti siya saakin at kinuha ng papel na binigay ko, nagulat siya nang makita ito, tinanong niya ako kung saan ko daw galing ito. "Ah.. napulot.. opo napulot ko po! hehe" sabi ko nang maalala ang payo ni Fairy Reign saakin. "Galing po kasi ako sa isang baranggay, sa.. Silangang Asya po." Sabi ko, sana tama ako dahil hindi sinabi ni Fairy Reign ang dapat sabihin kung saan ako nanggaling. "Palaboy-laboy lang po ako hanggang sa mapad-pad po ako sa isang lugar at nakita i'yan kaya kopo pinulot." Pag papatuloy ko at ngumiti kay Mrs. Lany. "Sa Baranggay ng Silangang Asya? You mean sa Brngy. Raphir?" Tanong niya habang tinitignan ang papel. Hindi ko alam iyon, kaya umoo nalang ako. "Okay sige, pasok kana." Agad-agad!? Hindi man lang ako papa fill up-an ng kung ano, hindi man nga tinanong pangalan ko at hiningian ng papeles patungkol saakin. Nginitian niya ako, "Cassie!!" tawag niya sa kung sino, at dumating ang isang magandang babae na mukhang secretary. Tama nga ako, "Si Cassie, my secretary." Nag wave na parang nag Hi naman saakin si Ate Cassie at nginitian ako, ganoon din ginawa ko sakaniya. "Cassie, give me a Enrolment form." Ah bibigyan palang pala ako, pero nauna pa ang pag approve saakin bago ako bigyan ng Enrollment Form. Umalis naman si Ate Cassie para kumuha ng Order Form sa isang kwarto kaya naiwan kami ni Mrs. Lany. "Gabi na, kailangan mo ng magpahinga dahil bukas ang umpisa ng klase. Ipapahatid kita sa Dorm mo." Sabi ni Mrs. Lany kaya ngumiti ako ta tumango, dumating na si Ate Cassie at binigay na saakin ang Enrollment Form, gabi na daw kaya sa Dorm kuna sasagutan 'yon, pinahatid narin ako ni Mrs. Lany kay Ate Cassie sa Dorm kaya nagpaalam na ako at nagpasalamat. Nang makalabas na kami sa Office, hiningi ni Ate Cassie ang kamay ko kagaya ng ginawa ni Mrs. Lany kanina. Nginitian ko siya saka ko binigay ang kamay ko, kinuha niya, tinignan muna ang keychain sa susi bago huminga ng malalim. Gaya ng inaasahan ko naglaho kami, bigla nalang kaming nasa harap ng pinto. Ngumiti si Ate Cassie saakin binigay niya na ang susi saakin dito daw ang kwarto ko, sinabi niya rin na ipapahatid niya bukas nang maaga ang Uniform ko na susuotin at sinabing magpahinga na'ko. Nagpaalam narin kami sa isa't-isa. Tinignan ko ang Susi sa kamay ko, saka ko ipinasok sa doorknob para buksan ang pinto. Nang mabuksan kona tinignan ko muna ang paligid tulog na yata ang mga tao dahil tahimik na. Pumasok ako saka ko binuksan ang ilaw para pagmasdan ang kwarto ko, Kagaya lang ito ng kwarto ko dati, may isang kama na kasiya sa dalawang tao, may study table at sariling baniyo, pero mas malawak ito, Hinubad ko muna ang flat sandals kong suot at dumiretso sa kama. Kinuha ko rin ang Bag ko at binuksan lumabas agad si Fairy Reign at naglipad lipad. "Hayst, Salamat! Nakalabas rin." Sabi niya pa, mukhang na bored sa loob ng bag. "Kamusta? Ayasha" Tanong nita at Humagikgik pa. "Oops, Shaya Azi Gil pala. hmm, kamusta, Shaya?" Tanong niya ulet mukhang natutuwa. "Ganda ah, talino mo talaga." sabi niya. Tinignan ko siya habang nakahiga na ang kalahati kong katawan sa kama, "Nakakapagod. Marami pa akong gustong malaman Fairy Reign." Sabi ko sakaniya, inaantok na. "Pero bukas nalang, matutulog muna ako." Sabi ko at sumangayon naman agad siya. Naligo muna ako at habang naliligo sinabi niyang siya na ang bahalang mag-ayos ng gamit ko, ipinagtaka kopa kung kaya niya, eh ang liit niya. Sinabi niya naman na gagamit sita ng mahika. Kailangan ko na talagang masanay, dahil hanggang ngayon nagugulat parin ako sa mga nasasaksihan ko na hindi ko akalaing totoo. Pagkatapos maligo, lumabas na ako ng banyo. Nakita kong maayos na nga ang mga damit ko, at tulog na si Fairy Reign natutulog siya sa Lamesa na nasa tabi ng kama ko, gagawan ko nalang siya bukas ng kama niya para presente siyang nakahiga. Suot kona ang pajama at sando ko, at saka nagtungo sa may salamin, may upuan din doon kaya umupo na ako habang pinagmamasdan ang sarili. Sinusuklayan ko ang buhok kong kulot-kulot at pinapatuyo. Walang pinagbago sa itsura ko ganoon parin, Panget! pero sabi naman ni Fairy Reign na sa 18th Birthday ko lalabas ang tunay kong anyo. Sinabi niya rin na kaya ganito itsura ko mula bata dahil nang may kumuha saakin para ipunta sa Mortal world ay gumamit ng mahika para takpan ang anyo ko, tinanong ko kung saan niya nalaman iyon, ang sabi niya naman nakita niya daw dahil lagi siyang nakasunod sakin. Nagpapasalamat ako sa Diyosa dahil ibinigay niya saakin si Fairy Reign para malaman ang mga patungkol saakin. Hindi ko inaasahan lahat, dahil ang akala ko na ang simple ngunit magulo kong buhay sa Mortal World ay yo'n na ang magiging buhay ko kaya sinanay ko na ang sarili ko sa mga pangungutyaw saakin dahil sa itsura ko, akala ko lang pala. Pero dumating nga ang 17th Birthday ko at doon ko nalang malalaman na isa akong prinsesa, hindi parin ako makapaniwala. Kaya sasanayin ko nalang siguro ang sarili ko sa lahat ng bagay. Katapos ko mag isip-isip, nahiga na ako sa kama, at natulog. Nagising ako dahil sa gutom, hindi pa pala ako kumakain! Pero mas ikinagulat ko nang makita ko ang kakaibang kuwarto, White tapos brown ang pader, Nasaan ako!? Violet ang pader ng kuwarto ko! "Magandang Umaga! Shaya!" Bati saakin ng maliit na nilalang, Si Fairy Reign! Argh! Totoo nga ang lahat. Nakakaloka!. "Oras na, Shaya. Kinakalangan mo nang maghanda para sa klase mo" Sabi niya saakin. Na basa niya siguro na gulong-g**o parin ako pero hindi niya na inopen ang topic. Tinignan ko ang orasan, nasaan naba yo'n? "Ayo'n, Prinsesa." Turo niya saakin, na nasa tabi ng maliit na bintana. 6:05am na nga! Dali dali akong kumuha ng damit, at pumasok ng banyo, para makaligo. Pagkalabas ko ng banyo, nandoon na ang Uniform ko, pinadala siguro ni Ate Cassie, pero sino ang kumuha? "Nandiyan yan sa lamesa mo kanina pa, gumamit sila ng masika para makapasok ang Gamit na para sa iyo." Sabi ni Fairy Reign nang mabasa ang tanong sa isip ko. Tumango nalamang ako, at saka ko kinuha. "Ang ganda. Wow!" Sabi ko nang makuha ko na at nakita ng maayos. Namangha ako dahil sa design ng uniform, Kulay puti ang blouse na may logo na kulay Green sa gilid ng blouse at nakalagay ang pangalan ng Academy sa loob ng Logo, may skirt o palda naman na hanggang sa taas ng tuhod ko, At may coat na kulay brown. Sinuot kona ito agad, dahil hindi na ako makapaghintay sa ganda niya "Kasiya saakin!" Masayang sabi ko habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin habang suot na ang uniform. Alam nila ang sukat ko, bago umalis kagabi si Ate Cassie tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, kaya siguro alam niya size ko. Ang galing! Lumipad si Fairy Reign, at nagtungo sa lamesa malapit sa salamin. "Kailangan mo ng mag-ayos. Hindi kapa kumakain." Doon ko naramdaman ang gutom, hindi pa nga ako kumakain mulakagabi, mabuti at nakayanan ko? "Gusto kitang i tour sa skwelahan na ito para masanay ka ngunit hindi nila ako pwede makita. Panigurado naman akong magkakaroon ka ng mga kaibigan." Sabi niya. Nakungkot ako bigla, sana nga may makipag kaibigan saakin. Ngumit saakin si Fairy Reign. Agad na akong nag ayos ng sarili. "GOOD MORNING! Students of ZASHAPIR ACADEMY, This is your First day of class this year. I would like to WELCOME those New Students! and Goodluck to all of you!" Narinig ko na mukhang nanggaling sa speaker na naka palibot sa School. "By the way, its already 6:30am, please Go to cafeteria now and Enjoy your breakfast! Exact 7:30 am go to your classroom, your class is depends on your Logo color. Thankyou!" Sabi pa, mukha si Mrs. Lany. Tinignan ko ang Logo ko sa gilid ng blouse ko, Kulay Green. Pang ilan ako? Nabasa iyon ni Fairy Reign dahil kanina niya pa ako pinahmamasdan, "Explaine ko sa'yo, Shaya." Sabi niya at ngumiti. "Color Green ang Logo mo, na ibig sabihin ang kakayahan mo ay pang Leven 3." Level 3? "Hindi ko rin alam bakit nasa Level 3 ka agad. Dahil may Limang Level sa loob ng Academy na'to. Ang Level ay naka depende sa kakayahan ng mag-aaral, Ang unang level ay color White sila ang mga mag-aaral na walang kaalam-alam sa kahit anong kapangyarihan nila." Ganoon din namana ako ah? Nabasa niya iyong tanong sa isip ko pero hindi ako sinagot. "Ang Level 2 naman ay color Orange sila ang mga mag-aaral na may-alam na sa kapangyarihan nila ngunit hindi alam kung paano ito kontrolin o gamitin... Ang Level 3 naman ay.." tinignan niya ako pati ang Logo ko " Color Green, sila ang mga mag-aaral na alam na ang kapangyarihan at kaya na nilang gamitin ito." Ah? Ako kaya ko? Eh hindi ko nga alam kung ano akin. "Ang Level 4 naman ay color Brown. Sila ay alam na ang mga special abilities nila at paano kontrolin ito,at sanay na nilang gamitin ito. Pagtatapos niya. "Paano ako naging Level 3?" Tanong ko sakaniya habang tinitignan ang Logo na kulay berde sa gilid ng blouse ko. Tinignan ko na siya, halatang hindi rin alam at nagtataka. "Hindi ko rin alam, Shaya. Pero nang makapasok ka sa office ni HeadMaster ay alam niya na ang kakayahan mo at kung pang ilan level ka kaya ganiyan ang ipinadala sayo na uniform. "Late kana, ang mabuti pa pumunta ka na ng canteen, para makakain. Dito nalang din muna ako at may kailangan din akong gawin. Mag-iingat ka at pakiusap hanggat maari wag kang papahalata na wala kapang alam sa kakayahan mo." Marami pa siyang sinabi at hinabilin saakin, wala akong nagawa kundi sumang ayon nalang, bago ako lumabas nag paalam ako sakaniya. Kalabas ko ng Dorm, hindi ko alam saan ang daan! Nang may makita akong babae na mukhang may hinahanap, hindi ko siya pinansin. At naglakad sinusundan ko kung saan ang punta ng mga estudyante, halos babae sila dahil ang building na ito ay Girl's dorm. Sinusundan ko sila mukhang palabas ng building, nang may mabangga ako. Ano 'to, Deja vu? Naalala ko lang naman si Patrcia Maldita. Tinignan ko ang babaeng nabunggo ko, siya yung may mukhang hinahanap, napaupo siya kaya tinulungan ko ng tumayo at hinawakan sa siko, nag dadalawang-isip pa ako baka magalit siya dahil mukha akong nakakadiri. Yo'n ang trato sakin noon. Nang makatayo na siya, tinignan niya ako. Ganoon din ako tinignan ko siya, may kagandahan siya at nakasalamin Nerd pero maganda. Nakita ko sa mga mata niya ang gulat, tinignan niya ang hawak niya na papel at binalik saakin ang tingin. "Ikaw nga!, Ikaw si Shaya Zia Gil 'di ba?" Ngiting tanong niya. Nagulat ako dahil hindi iyon ang reaksiyon na inaasahan ko pero tumango nalang ako, ako pala ang hinahanap niya. "Ako nga pala si Shella! Shella Diverson." Ngiti niyang pakilala at nilahad saakin ang kamay na parang gustong maki pag shake hand. Tinggap ko ang kamay niya. Binigay ko ang kamay ko sakaiya at nakipag shake hands, Ang Formal naman. "Shella? Diverson? anak ni-" hindi kona natapos ang sinabi ko dahil tinuloy niya na. Ngumiti siya saakin "Oo, Mommy ko ang Headmaster." Nasagot nga ang tanong ko. "Nandito ako para ibigay ang ID mo, natanggap ni Mommy ang Enrollment Form mo kaning umaga." Ah? hindi kopa sinasagutan iyon ah, baka si Fairy Reign tapos gumamit ng mahika para mapadala doon. "At dineretso niya ng ipinagawa ang ID mo. Inutusan niya ako ibigay ito" Inabot niya na saakin ang ID, nagulat ako dahil nandoon ang Picture ko normal iyon pero hindi pa ako nakapag picture ng ganoon! Aish kailangan ko ng masanay dahil lahat dito sa mundong ito ay imposible! "At para na rin ma tour ka dito. pero mamaya na dahil breakfast time na kaya, halika na!" Hinila niya nalang ako bigla! Kaya nagpatinod nalang ako para narin makakain dahil kanina pa ako gutom! Nakita ko nalang ang sarili ko na nasa cafeteria at nag aalmusal kasama si Shella. Tinignan ko ang Color ng Logo niya at ng makita kong Green ito, napangiti ako dahil sa wakas may kasama ako alam ko rin sa oras na iyon ay may kaibigan na ako. Napangiti rin siya dahil napansin din ang Color ng Logo ko, "Yey! Same Class tayo." Masayang Sabi niya. Napangiti ulet ako dahil masiyahin siya. Hindi na kami gaano nag kwentuhan dahil baka malate na kami sa klase namin. Patapos na kami kumain ni Shella handa na sa ng umalis, nang may biglang tumili sa loob ng Cafeteria, naagaw nila ang atensyon ng mga tao sa Cafeteria. "Kyaahhh!!! Girl! Did u hear the news!?" Tanong ng isang babae sa mukhang kaibigan niya. "What?" tanong ng babae. "PRINCE AND PRINCESS OF ZASHAPIR KINGDOM WILL BE BACK HERE IN ACADEMY!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD